Ogie Diaz, sa 'Kaila-Daniel' isyu: “Unang-una, hindi naman tayo nakasira”

Ogie Diaz, sa 'Kaila-Daniel' isyu: “Unang-una, hindi naman tayo nakasira”

  • Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz ukol sa reaksyon ng netizens
  • Ito ay kaugnay sa umano'y nalaman ni Ogie mula sa kanyang source na namumuong relasyon daw nina Daniel Padilla at Kaila Estrada
  • Aniya, wala umano siyang nasabing ikasisira ng dalawa
  • Lalo na at pareho naman "single" ang mga ito bago pa mapabalitang may relasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay na ng reaksiyon si Ogie Diaz matapos uminit ang usapan online tungkol sa kanyang pasabog na chika kaugnay umano ng namumuong relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada.

Ogie Diaz, sa 'Kaila-Daniel' isyu: “Unang-una, hindi naman tayo nakasira”
Kaila Estrada and Daniel Padilla (@kailaestrada/ @supremo_dp)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, galing sa kanyang “source” ang balita at wala siyang nasabing bagay na ikasisira ng dalawa. Giit pa niya, parehong single sina Daniel at Kaila bago pa man sumabog ang isyu, kaya’t hindi raw dapat gawing malaking kontrobersya ang naturang balita.

Unang-una, hindi naman tayo nakasira. Magandang balita ‘yan, ‘di ba? Na si Daniel at si Kaila ay magkasintahan na, according to a source na hindi pa rin naman nila inaamin o dini-deny. Pero kung totoo man, o e bakit? Nakasira ba ako? Paano ako nakasira e magandang balita nga ito,” paliwanag ng talent manager.

Read also

VP Sara Duterte, inaming siya mismo ang umiwas sa pagkikita kay Leni Robredo

Dagdag pa ni Ogie, nasa netizens na raw kung maniniwala sila o hindi. “Kung ayaw niyo maniwala, edi huwag. Pipilitin ko ba kayo? Kung naiirita kayo na dapat ay hindi, edi kayo na,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig nina Daniel at Kaila sa lumulutang na isyu, habang patuloy namang binabantayan ng fans at netizens ang susunod na kaganapan.

Si Daniel Padilla ay isang kilalang aktor at mang-aawit mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995, at anak siya ng mga aktor na sina Rommel Padilla at Karla Estrada. Naging tanyag siya sa kanyang mga papel sa mga teleseryeng gaya ng Pangako Sa 'Yo, La Luna Sangre, at The Haunted, pati na rin sa mga pelikulang tulad ng Barcelona: A Love Untold, Can't Help Falling In Love, at The Hows of Us na umano'y huling proyekto na pala nila ng dating nobyang si Kathryn Bernardo.

Read also

Claudine Barretto, umapela ng respeto para sa ate niyang si Gretchen sa gitna ng mga isyu

Samantala si Kaila Estrada naman ay isang aktres at modelo na anak nina Janice de Belen at John Estrada. Nagsimula siya bilang modelo bago sumabak sa pag-arte noong 2021 sa ABS-CBN seryeng Viral Scandal. Nakilala siya sa mahuhusay na pagganap sa mga palabas tulad ng Linlang, Can’t Buy Me Love, at kamakailan sa action-seryeng Incognito. Isa siya sa mga rising stars ng Star Magic na hinahangaan dahil sa kanyang versatility at galing sa drama. Sa kasalukuyan, patuloy siyang umaani ng papuri at mas maraming fans dahil sa kanyang mga impactful roles.

Matatandaang unang nagsama sina Kaila at Daniel sa Incognito, ang recently-concluded action-serye ng ABS-CBN na pinag-usapan dahil sa intense fight scenes at chemistry ng cast. Ngayon na wala na silang on-screen project, marami ang nagtatanong kung bakit tila mas madalas parin umano silang nakikitang magkasama. Sinasabing isa umano ito sa mga dahilan bakit naging maugong ang balitang tila may nabubuong pag-iibigan ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica