Vicki Belo, ipinasilip ang bonggang 'Crystal Villa' na binook ni Hayden Kho para sa anniversary nila
- Si Vicki Belo naging usap-usapan kamakailan dahil sa kanyhang post
- Ipinasilip kasi niya ang bonggang hotel villa na binook ni Hayden Kho
- Aniya Vicki, parte raw ito ng kanilang 'anniversary' celebration this year
- Marami naman ang talagang namangha sa ganda ng hotel villa na ito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Vicki Belo, isang celebrity dermatologist, ay muling pinakilig at pinahanga ang kanyang mga followers matapos magbigay-sulyap mula sa kanilang anniversary celebration ni Hayden Kho.

Source: Instagram
Sa Instagram, ibinahagi ni Vicki ang video kung saan makikita siya sa lobby ng The Nuwa Hotel. Sa video, pinuntahan siya ni Hayden bitbit ang isang magandang bouquet. "Happy anniversary ulit!" aniya Hayden, na agad namang sinagot ni Vicki ng, "Happy anniversary ulit? The never-ending anniversary, thank you so much! Thank you for knowing that my favorite color is purple."
Ayon kay Vicki, mabilis at maikli lamang ang getaway. "We're just escaping from Scarlet for one night, one night lang," pahayag niya, na tumutukoy sa kanilang anak na si Scarlet Snow Belo.
Nang makarating sila sa Crystal Villa ng hotel, parehong namangha sina Vicki at Hayden sa laki at ganda ng villa. Sa tour, napatanong si Vicki, "Wow! Ang laki naman ng bahay namin. It's like how many square meters is this?" na sinagot naman ng isang staff, "450 square meters, ma'am."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi rin nakalimot si Vicki na ipahayag ang kanyang pasasalamat sa espesyal na selebrasyon. Sa caption, aniya, "Of course our anniversary never ends! Thank you @dochayden for the most beautiful staycation that we've been wanting for so long! Quality time with you is my favorite."
Maraming netizens naman ang natuwa at kinilig sa pagiging sweet at thoughtful ni Hayden para kay Vicki. Komento pa ng ilan, tunay raw na goals ang relasyon ng dalawa na patuloy na pinapakita ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa isa't isa kahit matagal na silang magkasama.
Watch the video below:
Si Vicki Belo ay isang kilalang dermatologist, negosyante, at media personality. Noong 1990, itinayo niya ang kanyang unang clinic sa Makati, kung saan siya ang nanguna sa pagpapakilala ng liposuction at laser treatments sa bansa. Pinalawak niya kalaunan ang negosyo at itinatag ang Belo Medical Group, na ngayon ay may higit 15 branches sa buong Pilipinas. Kilala si Dra. Belo hindi lamang sa kanyang makabagong ambag sa larangan ng aesthetics kundi pati na rin sa kanyang personal na paglalakbay. Noong 2016, nalampasan niya ang Stage 3 Br*ast Cancer at ipinagdiwang ang kanyang pitong taon ng remission noong 2023. Bukas niyang ibinahagi kung paano siya sinuportahan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang asawa na si Dr. Hayden Kho.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Vicki Belo ang isang nakakaantig at nakakatawang sandali tungkol sa kanyang asawa. Sa Instagram, nag-post si Vicki tungkol sa tinatawag niyang "beige flag" ni Dr. Hayden Kho bilang asawa. Ang rebelasyong ito ni Vicki ay ikinaaliw ng kanilang fans sa comments section. Marami ang natuwa sa cute na samahan ng dalawa.
Samantala, naabot naman ng anak nila Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo ang isang bagong milestone. Ang 10-taong-gulang na bata ay natapos na ang Grade 4, at ipinost ng kanyang mga magulang sa social media ang kanilang pagmamalaki sa tagumpay ng anak. Pareho ring nag-react sina Vicki at Hayden kung gaano kabilis lumilipas ang panahon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh