Daniel Padilla, may bago na umanong karelasyon ayon sa source ni Ogie Diaz
- Isang source ni Ogie Diaz ang nagsabing may bago nang karelasyon si Daniel Padilla
- Matatandaang minsan nang naibalita ni Ogie na madalas mamataang magkasama sina Daniel at Incognito co-star niya na si Kaila Estrada
- Wala namang nakikitang masama si Ogie sakaling totoo man ang relasyon gayung pareho namang single ang dalawa
- Gayunpaman, sina Daniel at Kaila pa rin umano ang makakapagpatotoo o makakapagpabulaan ng bagay na ito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbahagi ng bagong impormasyon si Ogie Diaz kaugnay sa aktor na si Daniel Padilla. Ayon sa isang source niya, may bago na umanong karelasyon ang Kapamilya star.

Source: Facebook
Matatandaang minsan nang naibalita ni Ogie na madalas mamataang magkasama sina Daniel at Incognito co-star niya na si Kaila Estrada.
Sa kanyang programa, nilinaw ni Ogie: “E may nagsabi lang naman sa akin.” Dagdag pa niya, “Depende sa kanila kung aaminin nila or idi-deny nila.”
Nang tanungin ni Mama Loi kung ang tinutukoy rin bang bagong karelasyon ay isang artista, tugon ni Ogie: “Yes.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Daniel Padilla and Kaila Estrada"
Aniya pa, “E syempre, sa atin may nag-confirm lang. Pero importanteng marinig natin si Daniel at si Kaila gaano ito katotoo.”
Matatandaang ilang larawan na rin nina Daniel at Kaila ang kumakalat sa social media kung saan tila nadadalas ang kanilang pagiging magkasama. Kaugnay nito, sabi pa ni Ogie: “Ilan ‘yan sa patotoo na sila ay nagkakamabutihan.”
Gayunpaman, nilinaw din niya na wala naman siyang nakikitang masama kung totoo man ang relasyon ng dalawa. “Saka Diyos ko naman, wala naman silang sinagasaan o tinapakan. Pareho naman silang single.”
Sa huli, iginiit ni Ogie na sina Daniel at Kaila pa rin umano ang makakapagpatunay o makakapagpabulaan ng usaping ito.
Si Daniel Padilla ay isang kilalang aktor at mang-aawit mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995, at anak siya ng mga aktor na sina Rommel Padilla at Karla Estrada. Naging tanyag siya sa kanyang mga papel sa mga teleseryeng gaya ng Pangako Sa 'Yo, La Luna Sangre, at The Haunted, pati na rin sa mga pelikulang tulad ng Barcelona: A Love Untold, Can't Help Falling In Love, at The Hows of Us na umano'y huling proyekto na pala nila ng dating nobyang si Kathryn Bernardo.
Samantala si Kaila Estrada naman ay isang aktres at modelo na anak nina Janice de Belen at John Estrada. Nagsimula siya bilang modelo bago sumabak sa pag-arte noong 2021 sa ABS-CBN seryeng Viral Scandal. Nakilala siya sa mahuhusay na pagganap sa mga palabas tulad ng Linlang, Can’t Buy Me Love, at kamakailan sa action-seryeng Incognito. Isa siya sa mga rising stars ng Star Magic na hinahangaan dahil sa kanyang versatility at galing sa drama. Sa kasalukuyan, patuloy siyang umaani ng papuri at mas maraming fans dahil sa kanyang mga impactful roles.
Matatandaang unang nagsama sina Kaila at Daniel sa Incognito, ang recently-concluded action-serye ng ABS-CBN na pinag-usapan dahil sa intense fight scenes at chemistry ng cast. Ngayon na wala na silang on-screen project, marami ang nagtatanong kung bakit tila mas madalas parin umano silang nakikitang magkasama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh