Karla Estrada, thankful sa pamilya ni Kathryn: "No bad blood for me"

Karla Estrada, thankful sa pamilya ni Kathryn: "No bad blood for me"

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Karla Estrada ang pasasalamat niya sa pamilya ni Kathryn Bernardo

- Matatandaang si Kathryn ang dating karelasyon ng kanyang anak na si Daniel Padilla

- Nabanggit din ni Karla na single pa rin ngayong si Daniel

- Subalit nilinaw niyang ayaw niyang magsalita para sa anak o kaninoman

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz at Karla Estrada ay ang tungkol sa hiwalayan ng KathNiel.

Karla Estrada
Karla Estrada, thankful sa pamilya ni Kathryn: "No bad blood for me" (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Nabanggit ni Karla ang paalala niya bilang ina kay Daniel Padilla sa panahong kalalabas lamang ng kanilang kumpirmasyon ukol sa hiwalayan noong Nobyembre 2023.

Nabanggit ni Karla ang paalala niya bilang ina kay Daniel sa panahong kalalabas lamang ng kanilang kumpirmasyon ukol sa hiwalayan noong Nobyembre 2023.Nabanggit ni Karla ang paalala niya bilang ina kay Daniel sa panahong kalalabas lamang ng kanilang kumpirmasyon ukol sa hiwalayan noong Nobyembre 2023.

"Wala siyang sinabi ha, ako lang talaga ang may sinabi, Sabi ko lang, anak paghandaan mo ha, it's going to be a rollercoaster ride after the breakup"

Read also

Karla kay Daniel sa hiwalayan ng Kathniel: "'To naman 'di manlang maka-marites"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasabi rin ni Karla ang pasasalamat niya sa pamilya ni Kathryn na malaki rin umano ang naitulong sa kanyang anak.

"I really love them. I'm really thankful for the family nila Kath. I'm really thankful kasi ang laking tulong nila sa anak ko na dalawa kaming naging nanay ni Ate Min. So I'm really thankful," ani Karla.

"'Yung huling usap naman namin was maayos naman akong nakipag usap, maayos din naman nila akong hinarap. Wala lang communication kasi wala naman nang pag-uusapan about anything"

"No bad blood for me," pagbibigay diin pa niya.

Sa naturang interview din nilinaw ni Karla na wala umano siyang galit kay Ogie Diaz.

"Hindi. Iba ang galit sa parang nairita o nabuwisit"
"Of course. May mga salitang hindi nakakatuwa. Pero mas malawak ang pang-unawa ko. Kasi tinitingnan ko pa rin 'yung kung saan tayo nag-umpisa para maging magkaibigan at ipinagkatiwala ko sa'yo 'yung anak na gawin kang ninong"

Read also

Marissa Sanchez, emosyonal na nagbigay-pugay kay Ricky Davao: “Wala ka na"

Narito ang kabuuan ng panayam ni Ogie mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Daniel Padilla ay isang kilalang aktor at mang-aawit mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995, at anak siya ng mga aktor na sina Rommel Padilla at Karla Estrada. Naging tanyag siya sa kanyang mga papel sa mga teleseryeng gaya ng Pangako Sa 'Yo, La Luna Sangre, at The Haunted, pati na rin sa mga pelikulang tulad ng Barcelona: A Love Untold, Can't Help Falling In Love, at The Hows of Us na umano'y huling proyekto na pala nila ng dating nobyan na si Kathryn Bernardo.

Kilalang-kilala si Daniel sa kanyang mahusay na pagganap, pati na rin sa pagiging bahagi ng "KathNiel" love team kasama si Kathryn Bernardo, na may malaking base ng mga tagahanga. Subalit noong Nobyenbre 30, 2023, magkasunod na kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan matapos ang mahigit 11 na taong relasyon bukod sa pagiging magka-love team.

Read also

Girlfriend ni Ricky Davao, nagbahagi ng madamdaming mensahe sa pagpanaw ng aktor

Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, ibinahagi nito ang nakarating sa kanyang impormasyon na nagkaayos na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Paglilinaw din ng kanyang source, nagkaayos na ang kahulugan ay nagkakausap na ang dalawa subalit hindi ibig sabihin na nagkabalikan na rin ang KathNiel.

Samantala, balik telebisyon naman si Daniel Padilla na kabilang sa serye na Incognito. Kasama ni Daniel sa nasabing teleserye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, tambalang Anthony Jennings at Maris Racal gayundin si Richard Gutierrez. Sa ngayon, isa na ito sa pinakaabangang serye ng ABS-CBN na napapanood din sa Netflix.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica