Kylie Padilla, inamin na “kuripot na sa second chances” matapos sa mga pinagdaanan

Kylie Padilla, inamin na “kuripot na sa second chances” matapos sa mga pinagdaanan

  • Kylie Padilla umamin na hindi na siya ganoon ka-generous pagdating sa pagbibigay ng second chances dahil sa kanyang pinagdaanan sa buhay
  • Sa My Father’s Wife, hinangaan ng manonood ang emosyonal na eksena niya bilang Gina, isang babaeng niloko ng sariling asawa
  • Sa isang fan Q&A, inamin ni Kylie na hindi niya sinasadya pero minsan ay gumagamit siya ng emosyon mula sa karanasan para mas maging totoo ang kanyang acting
  • Binigyang-diin ng aktres na bagama’t nag-e-empathize siya sa role, mas pinipili niyang huwag magamit ang tunay na tao sa kanyang personal na buhay para sa eksena

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ang Kapuso star na si Kylie Padilla ay muling nag-trending matapos ang kanyang matapang na sagot tungkol sa pagbibigay ng second chances. Sa isang fan Q&A segment, diretsahan niyang inamin na hindi na siya ganoon kadaling magpatawad at magbigay ng pangalawang pagkakataon matapos ang lahat ng pinagdaanan niya sa personal na buhay.

Kylie Padilla, inamin na “kuripot na sa second chances” matapos sa mga pinagdaanan
Kylie Padilla, inamin na “kuripot na sa second chances” matapos sa mga pinagdaanan (📷@kylienicolepadilla/Instagram)
Source: Instagram

“Dahil sa mga pinagdaanan ko in my life, medyo kuripot ako sa second chances. So, no,” diretsong sagot ni Kylie na agad nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa fans.

Read also

Bea Alonzo, natatawa sa paanyaya ni John Lloyd: “Nakalimutan ata na may number kami”

Kasabay nito, pinuri rin siya ng mga manonood sa kanyang mahusay na pagganap bilang Gina sa Kapuso Afternoon Prime series My Father’s Wife kasama sina Gabby Concepcion, Jak Roberto, at Kazel Kinouchi. Ang mga eksena kung saan nalaman ng kanyang karakter na niloko siya ng asawa ay umani ng papuri mula sa mga fans na nagsabing dama nila ang sakit at bigat ng emosyon ni Kylie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa tanong ng isang tagahanga kung ginagamit ba niya ang personal niyang karanasan upang mas maging totoo ang kanyang acting, nilinaw ng aktres na hindi niya sinasadyang gamitin ang mga tao sa kanyang nakaraan.

“I never plan to use people in my scenes, but sometimes my mind does project images in the moment and I use it if I can lalo na if I can deliver a better performance,” ani Kylie.

Dagdag pa niya, malaki ang naitutulong ng kanyang empathy upang maisapuso ang kanyang role. “Sometimes I really empathize with my character, and that helps me deliver the scene better.”

Read also

Bea Alonzo, nagbigay pahayag sa usapin ng umano’y engagement

Si Kylie Nicole Sicangco Padilla ay isang Kapuso actress at anak ng action star na si Robin Padilla. Bukod sa kanyang husay sa acting, kilala rin siya bilang isang fashion-forward celebrity at hands-on mom sa kanyang mga anak. Dumaan man siya sa matinding pagsubok sa kanyang personal na buhay, kabilang na ang hiwalayan nila ng dating asawang si Aljur Abrenica, nananatiling matatag at determinado si Kylie na pagtuunan ng pansin ang kanyang karera at pamilya.

Kamakailan lang ay sumang-ayon si Kylie sa panawagan ni Jericho Rosales laban sa mga pasaway na beachgoers. Sa balitang inilathala ng KAMI, sinabi ni Kylie na mahalaga ang pakikipagkapwa at pagiging responsable sa kalikasan, kaya natuwa siya sa paninindigan ni Echo. Ipinakita nito na bukod sa pagiging artista, aktibo rin si Kylie sa mga isyung panlipunan.

Samantala, umani rin ng papuri si Kylie matapos pasalamatan ang dating asawang si Aljur Abrenica sa pagsama nito sa bonding moment kasama ang kanilang mga anak. Sa ulat ng KAMI, pinakita ni Kylie ang kanyang maturity bilang magulang dahil sa kabila ng kanilang pinagdaanan, inuuna pa rin nila ang kapakanan ng kanilang mga anak. Maraming netizens ang humanga sa co-parenting setup ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate