Kaye Abad, muling 'napagtripan' ni Paolo Contis sa birthday post nito kay Patrick Garcia

Kaye Abad, muling 'napagtripan' ni Paolo Contis sa birthday post nito kay Patrick Garcia

  • Muli na namang nawindang si Kaye Abad dahil sa post ni Paolo Contis
  • Binati kasi ni Paolo kamakailan ang kaibigan nilang si Patrick Garcia
  • Ngunit ang napiling post at photo ni Paolo ay ikinagulat ng aktres
  • Dahil dito, agad na napa-comment si Kaye sa photo choice ni Paolo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Ibinahagi ni Kaye Abad kamakailan ang nakakatawang palitan nila ng komento online ng kapwa aktor na si Paolo Contis matapos itong mag-post ng kakaibang pagbati sa kaarawan ng kanilang malapit na kaibigan na si Patrick Garcia.

Kaye Abad, muling 'napagtripan' ni Paolo Contis sa birthday post nito kay Patrick Garcia
Photos: @kaye_abad, @paolo_contis on Instagram
Source: Instagram

Sa Instagram, nag-upload si Paolo ng selfie kasama si Patrick mula sa vow renewal ceremony nito sa Boracay nitong taon. Ngunit imbis na mag-focus ang mga tao sa tatlong magkakaibigan, ginawang biro ni Paolo ang kuha matapos niyang takpan ang mukha ni Kaye sa larawan.

Sa mismong selfie, nilagyan niya ng birthday greeting para kay Patrick na nakasulat: "Happy birthday, bro! Labyu!" — diretso sa ibabaw ng mukha ni Kaye. Hindi naman nakapigil ang aktres dito at agad na ni-repost ang larawan, sabay caption ng biro: "Hayup ka!" sa kilalang aktor.

Read also

Jon Lucas, pinuri ang delivery men na nagsauli ng kanyang wallet

Dagdag pa sa patawang post ni Paolo, humingi rin siya ng paumanhin kay Kaye, na tila kunwari ay naharangan lamang siya: "Sorry, nakaharang ka eh, @kaye_abad!" aniya Paolo kay Kaye.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbiruan ang dalawa online. Noong kaarawan ni Kaye ngayong taon, nagulat din ang aktres sa nakakatawang birthday greeting ni Paolo para sa kanya.

Bukod dito, nitong nakaraang March lamang ay nag-post pa nga si Paolo ng isang candid shot mula sa event ni Patrick kung saan muli niyang ginawang biro ang nangyari kay Kaye sa photo.

Maraming netizens ang natuwa at natawa sa palitan ng biruan nina Paolo at Kaye, na patunay ng kanilang matagal at masayang pagkakaibigan. Para sa mga tagahanga, nakakagaan ng loob na makita ang ganitong klase ng closeness sa pagitan ng mga artistang matatagal na sa industriya.

Kaye Abad, muling 'napagtripan' ni Paolo Contis sa birthday post nito kay Patrick Garcia
Screenshot mula sa Instagram ni @kaye_abad
Source: Instagram

Si Kaye Abad ay isang aktres na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag siya dahil sa kanyang papel bilang Epifania "Eds" Delos Santos sa Tabing Ilog, isang sikat na teen drama series. Lumabas din siya sa ilang teleserye gaya ng Annaliza at Nang Ngumiti Ang Langit. Si Kaye ay kasal sa aktor at negosyanteng si Paul Jake Castillo. Kalaunan, sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Iñigo Leon.

Read also

RR Enriquez, hindi kinaya ang napansin ni Mariel Padilla sa video niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling pinasaya ni Kaye Abad ang mga netizens sa social media. Kamakailan ay binati kasi ni Kaye ang kanyang bunsong anak sa kaarawan nito. Aniya kasi ng aktres, si Iñigo Leon daw ang kanyang "pinakabugoy" na anak. Bukod pa rito ay nag-post din si Kaye ng iba't ibang pictures ni Iñigo.

Samantalang noong 2024, naging usap-usapan si Kaye Abad matapos niyang ibahagi na nagpadala ng mensahe sa kanya si Iza Calzado. Kaugnay ito ng kanyang naging panayam kay Boy Abunda, kung saan sinabi niyang itinuturing niyang pinakamaganda si Iza. Nagpasalamat si Iza sa kanyang mga papuri ngunit sinabi rin nito kay Kaye na huwag tanggapin ang bansag na siya ang "pangit na version" niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco