Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis

Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis

  • Carlo Aquino ikinuwento na nagalit ang kanyang ina matapos mapanood ang pillow fight scene nila ni Anne Curtis
  • Sa seryeng It’s Okay To Not Be Okay, ginampanan ni Carlo ang karakter na si Matmat na may special needs
  • Anne Curtis nagpasalamat sa positibong pagtanggap ng mga manonood at sa suporta ng kanilang fans
  • Carlo Aquino natuwa na naiparating ng kanyang karakter ang mensahe laban sa diskriminasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inamin ni Carlo Aquino na nagalit ang kanyang ina matapos mapanood ang pillow fight scene nila ni Anne Curtis sa Kapamilya primetime series na It’s Okay To Not Be Okay. Sa naturang serye, ginampanan ni Carlo ang papel ni Matmat, isang karakter na may special needs, habang si Anne naman ay si Mia, ang babaeng lead.

Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis
Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis (📷Star Creatives/Facebook)
Source: Facebook

Kuwento ng aktor, marami siyang natanggap na mensahe matapos ipalabas ang eksenang iyon, ngunit ang pinaka-matindi raw na reaksyon ay mula mismo sa kanyang nanay. “’Yung nanay ko, nagalit — masyado raw malakas ang palo ko kay Anne. Buti na lang, nilabas ‘yung BTS, so nakita na sabi ni Anne, dito, dito, sa ulo nga,” ani Carlo. Nilinaw niyang parte lamang ito ng script at mismong si Anne pa ang nagturo kung saan siya dapat tumama.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa napili niyang background music

Samantala, para kay Anne Curtis, naging masaya at nakakagaan ng loob ang eksenang iyon dahil sa magagandang komento mula sa mga manonood. “Maraming salamat, lalo na pag sinasabing we lived up to your expectations,” pahayag ng aktres-TV host.

Dagdag pa niya, nagustuhan niya na may “Filipino touch” ang bersyong lokal ng kilalang Korean series. Pinapurihan din niya ang kanyang co-star at nagpasalamat sa fans na patuloy na nagbibigay ng suporta, bagay na malaki raw ang kahulugan para sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa panig naman ni Carlo, masaya siya na naiparating ng kanyang karakter ang mensahe na hindi dapat maliitin o i-discriminate ang mga taong gaya ni Matmat. Ayon sa kanya, marami sa kanila ay high-functioning at may kakayahang makipag-ugnayan at magmahal. Bago pa man magsimula ang proyekto, sinabi rin ng aktor na hindi niya pinanood ang original Korean series upang mabigyan ng sariling interpretasyon ang kanyang karakter.

Si Carlo Aquino ay isa sa pinakakilalang aktor sa industriya na nagsimula bilang child star. Nakilala siya sa pagiging versatile at natural ang pag-arte, lalo na sa mga dramang nangangailangan ng malalim na emosyon. Si Anne Curtis naman ay isang multi-awarded actress, TV host, at philanthropist na kilala sa kanyang husay at karisma sa telebisyon at pelikula.

Read also

DPWH engineer, nagbunyag ng umano’y pagkakasangkot nina Estrada at Villanueva

Kamakailan lang, naging usap-usapan si Carlo matapos mag-post ng cryptic message tungkol sa pamumuhay nang marangya. Maraming netizens ang nag-isip na may kinalaman ito sa pressure ng pagiging isang personalidad sa showbiz. Sa kanyang post, tila ipinapakita niya ang mga realidad ng showbiz life at ang expectations mula sa publiko.

Samantala, nag-trending din ang mga larawan nina Carlo Aquino at asawang si Charlie Dizon sa kanilang cozy vacation para ipagdiwang ang kaarawan ng aktor. Sa mga kuha, makikitang sweet at relaxed ang dalawa, na lalong ikinatuwa ng kanilang mga fans. Marami ang humanga sa closeness ng mag-asawa na patuloy na ipinapakita ang kanilang matibay na relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate