Anak ni Dianne Medina, may nakakadurog-puso na tanong sa burol ng kanyang lolo

Anak ni Dianne Medina, may nakakadurog-puso na tanong sa burol ng kanyang lolo

  • Si Dianne Medina ay nagbahagi ng nakakadurog-puso na photo sa kanyang account
  • Picture ito ng kanyang anak na si Joaquin sa harap ng casket ng kanyang Lolo Papa Toy
  • Matatandaang pumanaw na ang ama ni Dianne na si Prisco Medina noong September 5
  • Naantig talaga ang puso ng ilan sa tinanong ni Joaquin sa kanyang mommy sa burol

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Dianne Medina, isang Filipina actress at TV host, ay nagbahagi sa social media ng larawan ng kanyang anak na si Joaquin sa harap ng kabaong ng kanyang lolo na si Prisco Tito Medina.

Anak ni Dianne Medina, may nakakadurog-puso na tanong sa burol ng kanyang lolo
Anak ni Dianne Medina, may nakakadurog-puso na tanong sa burol ng kanyang lolo (@dianne_medina)
Source: Instagram

Matatandaang pumanaw ang ama ni Dianne noong September 5 sa edad na 71. Sa Instagram, ibinahagi ni Dianne ang naging pag-uusap nila ng anak sa burol ng Lolo Papa Toy nito.

"On your birthday, anak @joaquin_ilustre, I carried you again to Papa Toy's casket because you wanted to see him," panimula ni Dianne sa kanyang nakakadurog-puso na online post.

Read also

Iwa Moto, nagpahayag ng suporta kay Sen. Ping Lacson: "Our inspiration"

Ayon sa kwento niya, tinanong siya ni Joaquin habang nakatingin sa labi ng lolo niya: "Mommy, why is Papa Toy sleeping?" bago pa ito nagdagdag ng tanong, "Is Papa Toy in heaven, Mommy?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming netizens ang hindi napigilang maantig sa inosenteng tanong ng bata. Dagdag pa nga ni Dianne, sa kanyang post, hiniling ni Joaquin na tulungan siyang mahalikan ang kanyang lolo. "You held on to me and said, 'Mommy, help me... I want to kiss Papa Toy,’" pagbabahagi pa niya.

Sa dulo ng kanyang viral post, humingi ng paumanhin si Dianne kay Joaquin dahil ang birthday greeting nito ay may kasamang lungkot bunsod ng kanilang pagdadalamhati para sa ama niya. "Happy Birthday, Joaquin. Sorry, anak, if this greeting comes with sadness — Someday you will understand, but for now, know that your Lolo Papa Toy loves you from heaven above!" aniya.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay at mensahe ng suporta mula sa mga tao. Marami ang nagpahayag ng kanilang dasal para sa kalakasan ng pamilya Medina sa gitna ng pagluluksa.

Read also

Alex Gonzaga sa 'power couple' video nila ng mister niya: "Hindi gets ni Mikee sa totoo lang"

Si Dianne Medina ay isang Filipina actress at TV host. Bukod sa kanyang unang mga proyekto sa pag-arte, nakilala si Dianne bilang isang mahusay at versatile na TV host at presenter. Naging host siya ng mga morning shows sa PTV‑4, naging bahagi rin ng mga segment ng GMA gaya ng Unang Hirit, at lumabas sa mga teleserye ng GMA tulad ng Beautiful Strangers. Sa likod ng camera, co-founder siya ng isang events management company. Sa kanyang personal na buhay, kasal siya sa aktor na si Rodjun Cruz mula noong 2019, at mayroon na silang dalawang anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagluluksa si Dianne Medina sa pagpanaw ng kanyang ama. Sa Instagram, ibinahagi ni Dianne ang pagpanaw ng ama niya na si Prisco Medina. Aniya Dianne, pumanaw ito noong September 5 sa edad na 71. Dahil dito, marami ang nakiramay kay Dianne, at pati na rin sa kanilang pamilya sa gitna ng balita.

Read also

Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"

Samantalang ay super proud talaga sina Dianne Medina at Rodjun Cruz sa kanilang panganay. Kamakailan ay ibinahagi ng dalawa ang pagsisimula ng kinder journey ni Joaquin. Papasok lamang si Joaquin sa Ateneo de Manila University na hinahangaan ng marami. Aniya Rodjun, super saya at happy daw talaga nila para kay Joaquin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco