Juliana Parizcova, ibinahagi ang laban sa stroke at ang kanyang pagbabalik-entablado
- Eksaktong isang taon matapos ang stroke, lumalaban si Juliana Parizcova bilang kandidata sa Miss Mandirigma Philippines 2025
- Sa tulong ng therapy at dasal, nagbalik siya sa normal na galaw kahit may mabigat na bahagi ng katawan
- Breadwinner si Juliana at ang kanyang ina ang nagsilbing inspirasyon sa mabilis niyang paggaling
- Sa kabila ng pagsubok, nais niyang ipakita na hindi hadlang ang pagiging PWD para maabot ang pangarap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Eksaktong isang taon matapos siyang ma-stroke, ibinahagi ni Juliana Parizcova na isa itong mahirap ngunit makabuluhang laban sa kanyang buhay. Ngayon, handa na siyang sumabak muli sa entablado bilang isa sa mga opisyal na kandidata ng Miss Mandirigma Philippines 2025 na gaganapin sa Lagao Gymnasium, General Santos City ngayong Setyembre 4.

Source: Instagram
Si Juliana, na kilala rin bilang Tyrone James Ortega sa tunay na buhay, ay unang nakilala bilang kauna-unahang Miss Q&A ng It’s Showtime noong 2018. Ngayon, inspirasyon siyang muli dahil sa kanyang pagbabalik kahit na idineklara na siyang PWD ng kanyang doktor matapos ang stroke.
Sa isang maikling video na ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap, muling naungkat ang pinagdaanang laban ni Juliana noong Setyembre 2024. Dito, ibinahagi niya ang kaba at takot na naramdaman nang mawalan ng galaw ang kanyang katawan. “Natatakot ako, di ko nagagalaw kamay ko. Baka hindi na ako makalakad. Paano na ako. Si mama ko. Dasal ako ng dasal. Kailangan ako ng mama ko. Hindi ako pwedeng ma-ganito,” pagbabalik-tanaw niya.
Hindi biro ang kanyang recovery. Ayon kay Juliana, sa unang buwan matapos ang stroke, naka-wheelchair lamang siya. Sa sumunod na mga buwan ay ginabayan siya ng therapy, at kahit mabigat pa rin ang kanang bahagi ng kanyang katawan, pinilit niyang bumangon. Ang kanyang lakas ng loob ay hindi lang para sa sarili kundi higit para sa kanyang ina na siya niyang pangunahing iniisip bilang breadwinner ng pamilya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muling nagkaroon ng pag-asa si Juliana nang bumalik siya sa trabaho makalipas lamang ang anim na buwan mula sa kanyang stroke. Ngayon, sa kanyang pagsali sa Miss Mandirigma Philippines, nais niyang patunayan na ang pagiging PWD ay hindi dapat maging hadlang para maabot ang mga pangarap.
Para kay Juliana, ang pagsabak sa beauty pageant ay hindi lamang laban para sa korona kundi isang simbolo ng kanyang pagbabalik mula sa matinding hamon.
Si Juliana ay isang kilalang komedyante at beauty queen figure. Nakilala siya bilang Miss Q&A grand winner noong 2018 sa It’s Showtime, at mula noon ay naging bahagi ng iba’t ibang shows at projects. Kilala rin siya sa kanyang witty humor, matapang na personalidad, at pagiging breadwinner ng kanyang pamilya.
Kamakailan, nagbigay ng payo si Juliana kay social media personality Diwata tungkol sa pamamahala ng kanyang bagong negosyo. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, sinabi ni Juliana na hindi dapat sobrang mahal ang presyo ng pares at dapat isaalang-alang ang abot-kayang halaga para sa masa. Ibinahagi rin niya na ang sikreto sa pagtitinda ay ang malasakit sa mga suki at ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa mga customer.
Sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, inilahad na gaganap si Juliana bilang makeup artist ni Pepsi Paloma sa isang pelikula. Maraming netizens ang natuwa dahil muli siyang masisilayan sa isang acting project, bukod pa sa kanyang career bilang komedyante at performer. Pinuri siya ng mga tagahanga dahil patuloy siyang nakakatanggap ng proyekto at pagkakataong maipakita ang kanyang talento sa iba’t ibang larangan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh