Pahayag ni Kisses Delavin tungkol sa korupsiyon noong 2018, binalikan ng netizens

Pahayag ni Kisses Delavin tungkol sa korupsiyon noong 2018, binalikan ng netizens

  • Si Kisses Delavin ay muling napag-usapan ng netizens kahit siya ay wala na sa showbiz
  • Kamakailan ay nag-resurface kasi ang 2018 interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda
  • Dito ay naitanong si Kisses sa nais niyang kung pwede siyang maging outrageous
  • Ang sagot naman ng dating aktres ay pumatok muli sa mga netizens sa social media

Si Kisses Delavin, isang dating aktres at singer sa Pilipinas, ay muling napag-usapan ng netizens online matapos mag-viral muli ang kanyang interview kasama si Boy Abunda noong 2018.

Pahayag ni Kisses Delavin tungkol sa korupsiyon noong 2018, binalikan ng netizens
Photos: Tonight with Boy Abunda via ABS-CBN Entertainment on YouTube
Source: Youtube

Kamakailan lamang, kumalat sa iba't ibang social media platforms ang mga photo cards mula sa panayam niya sa Tonight with Boy Abunda, kung saan tinanong siya ng King of Talk ng ilang impromptu questions na maaaring tanungin sa mga aspiring beauty queens sa mga pageant.

Isa sa mga katanungan na ibinigay ni Boy kay Kisses ay: "If there were no rules and you could be outrageous, what would you do?" Matapos pag-isipan, buong kumpiyansang sumagot ang dating aktres, na nagbigay-diin pa sa isyu ng politika sa bansa at pati na rin sa isyu ng korupsiyon.

Read also

BOC nakakita lang ng 2 luxury cars sa raid ng Discaya property

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"If there were no rules and I could be outrageous for one day, I would go to every politician that ever robbed our nation, and I will take that away, and give it to the right hands," sagot ni Kisses.

Mahalagang banggitin na ang muling pag-ungkat sa interview ay kasabay ng patuloy na pag-usapan tungkol sa kontrobersyal na flood control projects sa bansa, kung saan maraming netizens at pati na rin nga ilang celebrities ang humihiling ng accountability mula sa mga sangkot.

Panoorin ang video below:

Si Kisses Delavin ay isang Filipina actress, singer, at beauty queen na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016, kung saan siya ay itinanghal bilang 2nd Big Placer. Dahil sa kanyang charming personality at natural na pagiging mabait, mabilis siyang minahal ng publiko at nakapasok sa showbiz. Simula noon, lumabas siya sa iba't ibang teleserye at pelikula, at nakilala rin bilang isang recording artist sa ilalim ng Star Music. Bukod sa kanyang showbiz career, pinasok din ni Kisses ang mundo ng beauty pageant. Noong 2021, sumali siya sa Miss Universe Philippines, kung saan umabot nga siya hanggang Top 10 finalists. Ipinakita niya rito hindi lamang ang kanyang ganda kundi pati na rin ang kanyang talino at galing bilang Filipina.

Read also

"POV" video ni Bela Padilla tungkol sa pagpapaaral ng mga "Disney princess", pumalo ng 4M views

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling naging usap-usapan online si Kisses Delavin matapos mamataan sa isang ballet performance sa Amerika. Ayon sa netizens, kasali umano si Kisses sa pagtatanghal ng Martha Graham School of Contemporary Dance sa New York. Matagal nang walang update si Kisses online simula nang sumali siya sa Miss Universe Philippines 2021.

Samantalang noong 2021, naging viral ang paglabas ni Kisses Delavin sa telebisyon matapos ang kanyang stint sa Miss Universe Philippines. Ito ay ang kanyang panayam sa morning TV show na Unang Hirit, kung saan ibinahagi niya ang kanyang Miss Universe journey. Agad na naging viral ang video ng kanyang UH appearance.. Maraming netizens ang positibong tumugon sa interview.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco