Pokwang, nakatanggap ng sweet birthday message mula sa kanyang anak na si Mae Subong
- Si Pokwang ay nakatanggap ng matamis na pagbati mula sa kanyang panganay
- Kamakailan ay binati kasi ni Ria Mae Subong ang komedyante sa Instagram
- Sa kanyang post, biniro pa nga ni Mae ang kanyang ina at tinawag ito na "sister"
- Dahil dito, marami ang naantig at natawa sa birthday note ni Mae para kay mamang
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Pokwang, isang kilalang aktres at komedyante, ay nakatanggap ng isa sa pinakamatamis na pagbati sa kanyang kaarawan mula mismo sa kanyang panganay na anak na si Ria Mae Subong.

Source: Instagram
Noong Wednesday, August 27, nag-post si Mae sa kanyang opisyal na Instagram account ng serye ng mga litrato ng kanyang ina. Mula sa kanilang cute na snaps na magkasama hanggang sa mga larawan ni Pokwang habang inaalagaan ang bunsong si Malia, muling nasilayan ng mga netizens kung gaano ka-doting na ina ang aktres, bagay na hinahangaan ng kanyang mga fans online.
Ngunit higit na nakaantig ng damdamin ang mensaheng isinulat ni Mae para sa kanyang mama na tinawag pa niyang reyna. "Happy birthday to my sister! Ay! MY AMAZING QUEEN PALA @itspokwang27!" ani ni Mae sa caption ng kanyang viral post sa naturang photo-sharing app.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ipinagpatuloy pa niya ang kanyang taos-pusong pagbati at ibinahagi kung gaano siya ka-privileged na makapagdiriwang muli ng kaarawan ng kanyang ina. "As always, I feel incredibly privileged to celebrate another year of your life with you! You've always been the life of the party! I hope this year brings you much peace, joy, and prosperity!" aniya ni Mae sa kanyang mommy.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, muling binati ni Mae ang kanyang mama at nagpakita ng pagmamahal para rito, na labis na nagpaantig sa puso ng marami, "Let's cheers to your beautiful soul and the many memories we're still going to make! Happy Birthday, Mama! We love you!"
Hindi naman nagpahuli si Pokwang at agad na sumagot sa comment section ng post ng kanyang anak. "Love you nak," tugon ng komedyante, na umani naman ng ilang likes sa photo-sharing app.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nainis si Pokwang sa kumalat na fake news tungkol sa kanya. Bukod kay Mamang ay nadamay din nga sina Pauleen Luna at pati si Vic Sotto. Agad naman itong nilinaw ni Pokwang sa kanyang opisyal na Threads. Sey pa nga ni Mamang, makakarma rin daw ang mga nagpapakalat ng fake news online.
Samantalang ay hindi napigilang umiyak ni Pokwang matapos mapanood ang pelikula ni Zanjoe Marudo. Sa Instagram, inilahad ni Pokwang kung gaano siya napaiyak at naapektuhan ng pelikula. Aniya Mamang, malala raw talaga dahil ang dami raw niyang iniyak sa kwento na ito, senyas na talagang siya ay naka-relate sa movie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh