Yen Santos, na-interview si Chavit Singson; tinawanan lang ang tsismis ukol sa "anak" nila

Yen Santos, na-interview si Chavit Singson; tinawanan lang ang tsismis ukol sa "anak" nila

  • Nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Yen Santos si Chavit Singson
  • Nagbigay ng 21 questions si Yen at isa rin sa natalakay nila ay ang tsismis na mayroon umano silang anak
  • Muling nilinaw ni Yen ang espekulasyon ng ilan na nagkaroon sila ng 'love child' ni Singson
  • Matatandaang kamakailan lamang ay muling binigyang diin ni Yen na wala umano silang anak ni Chavit na sinundan naman ng panayam niya rito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagkaroon ng pagkakataon si Yen Santos na makapanayam si dating gobernador Chavit Singson sa kanyang pinakabagong vlog.

ang tsismis ukol sa "anak" nila
Yen Santos, na-interview si Chavit Singson; tinawanan lang ang tsismis ukol sa "anak" nila (Yen Santos)
Source: Youtube

Sa episode na tinawag na “Questions you want Manong Chavit Singson to answer” nagbigay si Yen ng serye ng mga katanungan para sa dating politiko, kabilang na ang matagal nang isyung mayroon umano silang anak.

Isa sa mga naging kontrobersyal na tanong ni Yen ay tungkol sa tsismis na mayroong silang tinatawag na “love child.” Sa harap ng kamera, diretsahan itong tinanong ng aktres kay Singson:

Read also

Julius Babao, todo-tanggi sa P10M issue: “Super fake news!”

“Ano ang komento mo sa mga tsismis tungkol sa atin?” tanong ni Yen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pabirong sagot ng dating gobernador: “Palagay ko ikaw lang ang makakasagot niyan.”

Dagdag ni Singson, wala siyang mensahe para sa kanyang mga bashers dahil karamihan sa kanila ay naniniwala lamang sa maling balita.

“Well, wala naman. Okay lang dahil ‘yung iba marites lang,” aniya.

Muling nilinaw ni Yen ang espekulasyon ng ilan na nagkaroon sila ng anak ni Singson.

Ayon sa kanya, mahigit isang dekada na ang kanilang pagkakaibigan at matagal nang kaibigan ng kanilang pamilya ang dating gobernador, kaya’t madalas silang maipag-tsismisan.

“Parang more than a decade na kasi he’s a good family friend. Super tropa ‘to ng aking parents kaya lagi tayo naiisyu. Meron pa nga daw tayong anak, di ba? Malaki na daw ‘yung anak natin si Yan Yan,” biro ni Yen.

“Guys, hindi po namin ‘yun anak. Kapatid ko ‘yun at ninong siya nun," pagbibigay diin pa niya.

Read also

Kaila at Daniel, shini-ship ng Incognito fans; namamataan pa rin umano silang magkasama

Sa parehong panayam, tinanong din si Singson tungkol sa kanyang local celebrity crush at ideal girl. Pabirong tumingin ang dating gobernador kay Yen, na ikinatawa naman ng aktres.

Dagdag pa ni Singson, bukod sa pagiging simple, may iba pa siyang hinahanap sa isang babae ngunit bumulong na lamang kay Yen at hiniling na huwag isapubliko.

Sa pagtatapos ng vlog, inamin ni Singson na ito ang unang pagkakataon na nahirapan siyang sumagot sa mga tanong. “Ito yata ‘yung unang beses na nahirapan akong sumagot,” aniya, na muling ikinatawa ni Yen.

Matatandaang kamakailan lamang ay muling binigyang-diin ni Yen na wala umano silang anak ni Chavit, bagay na sinundan ng nasabing panayam. Giit ng aktres, kailangan niyang linawin ang maling impormasyon na patuloy na kumakalat online.

“Yun talaga ‘yun, nakikita ko sa TikTok nagkalat na malaki na daw ‘yung anak namin. Yes, malaki na siya. He’s 11 years old pero hindi po namin ‘yun anak. Kapatid ko po siya,” paliwanag ni Yen.

Read also

News anchor Julius Babao, nagbigay ng pasasalamat sa kanyang “tunay na kaibigan”

Narito ang kabuuan ng kanilang Q and A:

Si Yen Santos ay isang kilalang Kapamilya actress na nakilala sa iba’t ibang teleserye at pelikula sa ABS-CBN. Una siyang sumikat bilang kalahok sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 bago tuluyang pumasok sa showbiz. Nakilala siya sa pagganap sa mga drama series tulad ng Halik at Pure Love na nagpatingkad sa kanyang pangalan sa industriya. Sa kanyang career, nakatanggap siya ng papuri dahil sa husay sa pag-arte at sa kakayahang magdala ng emosyonal na mga eksena. Isa siya sa mga aktres na aktibo pa rin sa showbiz kahit maraming kontrobersiya ang kanyang kinaharap.

Kamakailan, abala si Yen sa paggawa ng mga vlog content na mas nagbibigay ng personal na koneksyon sa kanyang mga tagahanga. Isa sa kanyang trending na vlog ay nang mabanggit niya ang tungkol sa nagdaan niyang karelasyon na pinaniniwalaan di umano ng marami na si Paolo Contis. Maliban dito, patuloy siyang nakikita sa social media kung saan ibinabahagi niya ang ilang bahagi ng kanyang buhay at mga proyekto. Aktibo rin siya sa paggawa ng mga endorsement at online engagements na nagpapakita ng kanyang pagiging visible sa entertainment industry. Sa kabila ng mga tsismis, nananatili siyang isa sa mga sinusubaybayang personalidad sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: