Pokwang, umalma sa fake news ukol sa kanila ni Pauleen Luna: "Makakarma rin kayo"
- Si Pokwang ay talagang nainis sa kumalat na fake news tungkol sa kanya
- Bukod kay Mamang ay nadamay din nga sina Pauleen Luna at pati si Vic Sotto
- Agad naman itong nilinaw ni Pokwang sa kanyang opisyal na page sa Threads
- Sey pa nga ni Mamang, makakarma rin daw ang mga nagpapakalat ng fake news
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Pokwang, isang Kapuso actress at comedian, ay hindi napigilan ang kanyang inis matapos kumalat online ang isang pekeng usapan na diumano'y naganap sa pagitan niya, ni Pauleen Luna, at pati si Vic Sotto. Sa kanyang page sa Threads ng Instagram, ibinahagi ni Pokwang ang screenshot ng pekeng conversation na ginawa gamit ang fake accounts ng tatlong celebrities.

Source: Instagram
Sa larawan, mababasa ang isang maling pahayag na iniuugnay umano kay Pokwang: "Ma'am Pauleen, kukunin ko na po yang anak namin ni Bossing. Halata naman po sa hitsura diba, sa akin nag-mana?" Kalakip nito, makikita rin ang pekeng tugon ng account na pinalabas na si Pauleen: "Nyeeee!" at ng pekeng account ni Vic: "Ang corny mo mag-joke, Pokwang! Si Willie lang yata natatawa sayo! Di ka papasa sa Eat Bulaga ko!" na talagang pumukaw sa atensyon ni Mamang.
Dahil dito, agad na naglabas ng pahayag si Pokwang upang tuldukan ang kumakalat na maling impormasyon. Sa kanyang post, binanatan niya ang mga nagpapakalat ng ganitong fake news.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Fake news!!!! Grabe na mga tao sa socmed, mga wala kayong magawa, makakarma rin kayo sa mga ugali niyo! Never ko tinawag na 'Ma'am' Pauleen si Poleng, kaloka! Pero mas malala yung mga nag-share at nanghusga agad!" aniya Pokwang sa kanyang Threads page nitong buwan.
Samantala, marami ring tagasuporta ng aktres ang nagpahayag ng suporta at pagtatanggol sa kanya, na nagsabing hindi dapat basta-basta maniwala sa mga nakikita online lalo na't madaling maglabas ng pekeng impormasyon gamit ang social media at ang technology ngayong panahon.

Source: Instagram
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay hindi napigilang umiyak ni Pokwang matapos mapanood ang pelikula ni Zanjoe Marudo. Sa Instagram, inilahad ni Pokwang kung gaano siya napaiyak at naapektuhan ng pelikula. Aniya Mamang, malala raw talaga dahil ang dami raw niyang iniyak sa kwento na ito, senyas na talagang siya ay naka-relate sa movie.
Samantalang nag-viral sa social media si Pokwang dahil sa kanyang mga recent post sa social media. Kamakailan ay sinagot ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X. Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble. Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh