Ogie D sa kontrobersyal na rebelasyon ni Liza: "Hindi niya gustong ilabas ‘yun"

Ogie D sa kontrobersyal na rebelasyon ni Liza: "Hindi niya gustong ilabas ‘yun"

  • Muling nausisa ni Mama Loi si Ogie Diaz tungkol sa kontrobersyal na naging pahayag ni Liza Soberano kamakailan
  • Matatandaang umani ito ng samu't saring reaksyon sa netizens
  • Ani Ogie, karamihan nang naisiwalat ni Liza sa naturang video ay alam nila
  • Gayunpaman, nabanggit din ni Ogie sa nauna niyang pahayag na bukas umano siyang makausap muli ang dating alaga

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling nausisa ni Mama Loi si Ogie Diaz tungkol sa kontrobersyal na naging pahayag ni Liza Soberano kamakailan.

Ogie D sa kontrobersyal na rebelasyon ni Liza: "’Yung karamihan diyan naikwento niya sa amin"
Liza SOberano and Ogie Diaz (@ogie_diaz)
Source: Instagram

Matatandaang umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens matapos maglabas ng video si Liza kung saan inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang career sa showbiz at maging ang masalimuot na pinagdaanan noong siya'y musmos pa lamang.

Marami ang pumuri sa kanyang katapangan, ngunit mayroon ding bumatikos at nagawa pang kwestyunin ang kanyang naging pahayag.

Ayon kay Ogie, karamihan nang naisiwalat ni Liza sa naturang video ay alam na nila.

Read also

Ogie Diaz, sa isa sa maugong na isyu ng BINI: "Wala hong buntis sa kanila”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“’Yung karamihan diyan naikwento niya sa amin.”

Dagdag pa niya, hindi ito ito naisapubliko ni Liza dahil tila hindi pa ito handa noon.

“Kasi walang need na ilabas ‘yun. Kasi lalo na, nagsisimula ka. Pero hindi rin naman niya gustong ilabas. Hindi niya gustong ilabas ‘yun."
"Nilalabas niya ‘pag kinikwento niya sa grupo. Kunwari sa Glam team. O ‘di kaya may shoot kami, patay na oras, kwentuhan… Ganu’n lang siya. Pero walang lumalabas. Parang within the small circle lang kami.”

Ipinaliwanag din ni Ogie ang kanyang pananaw noon ukol sa pinagdaanang ito ng kanyang dating alaga, “So ‘nung time na ‘yun, ‘di pa talaga siya ready na ilabas. 'E syempre kami naman as a manager ‘di ba, e lahat ng makabubuti sa’yo at lahat ‘nung magiging hindrance sa pag-unlad mo bilang aktres, syempre haharangin namin.”

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Jillian Ward, nagsalita sa mga ispekulasyon sa kanyang mga naipundar

Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Sa kontrobersyal na vlog ni Liza Soberano sa YouTube channel na Can I come in? Naging usap-usapan ng publiko ang na-bleep na pangalang nabanggit ni Liza habang nag-aalay ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya. Sinasabi ng marami na tila "Ogie" ang pangalan bagay na pakiramdam mismo ni Ogie Diaz ay hindi siya ang tinutukoy ng dating alaga.

Read also

“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex

Noong nakaraang taon, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito. Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica