Ogie Diaz, sa isa sa maugong na isyu ng BINI: "Wala hong buntis sa kanila”
- Mariing sinabi ni Ogie Diaz na walang buntis sa grupo ng BINI
- Isa umano ito sa mga maugong na napabalita tungkol sa grupo
- Nakausap ni Ogie ang handler ng BINI na maraming nilinaw lalo na sa mga kontrobersiyang kinahaharap ng grupo
- Matatandaang kamakailan, tuluyan nang nagsampa ng kaso ang grupo sa umano'y naglabas ng spliced video nila na naging dahilan para ma-bash sila nang husto online
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mariing itinanggi ng talent manager at showbiz personality na si Ogie Diaz ang kumakalat na tsismis na may buntis umano sa tinaguriang Nation's girl group na BINI.

Source: Facebook
Isa ito sa mga maugong na napabalita kamakailan tungkol sa grupo, na nagdulot ng sari-saring espekulasyon sa social media.
Ayon kay Ogie, personal niyang nakausap ang handler ng BINI na si MQ Mallari upang linawin ang mga kontrobersiyang kinahaharap ng grupo.
“Wala hong buntis sa kanila,” mariing pahayag ni Ogie D.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, “’Yun ang sabi ni MQ sa akin,” patungkol sa impormasyong ibinahagi ng handler ng grupo.
Sinabi rin ni Ogie na nagulat maging ang ilang miyembro ng BINI sa nasabing isyu. “Even Jhoanna and Gwen, nagtataka nga raw sila san’ lumabas ‘yung isyung buntis,” ani Ogie.
Samantala, kamakailan ay tuluyan nang nagsampa na ng kaso ang BINI laban sa umano’y naglabas ng spliced video ng grupo.
Ang nasabing video ang naging dahilan para sila ay makaranas ng matinding pambabatikos online.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatiling tikom ang bibig ng BINI sa pangalan ng kanilang kinasuhan upang hindi umano ito mapag-initan pa ng kanilang fans. Sa ngayon, ipinagpapatuloy pa rin nila ang kanilang mga proyekto at shows.
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie Diaz mula sa kanyang Showbiz Update channel:
Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon. Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Samantala, kamakailan lamang ay naghain ng pormal na reklamo nitong Lunes sa Hall of Justice ng Sta. Rosa, Laguna ang walong miyembro ng OPM girl group na BINI, kasama ang kanilang abogado na si Atty. Joji Alonso.
Ayon kay Atty. Alonso, ang reklamo ay isinampa laban sa respondent dahil sa umano’y paglabag sa unjust vexation na nakasaad sa Article 287 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 4(b) ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Nilinaw ng abogado na ang kasong ito ay hindi libel. Ipinaliwanag niya na ang reklamo ay bunsod ng isang spliced o edited na video kung saan makikitang kumakain at nagre-rate ng street food ang grupo. Dahil sa ginawang pag-edit, lumabas na tila negatibo ang kanilang mga komento, na nagbago at sumira sa tunay na konteksto ng orihinal na nilalaman.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh