Ogie Diaz, nalaman bakit hindi na pinangalanan ng BINI ang kanilang kinasuhan

Ogie Diaz, nalaman bakit hindi na pinangalanan ng BINI ang kanilang kinasuhan

  • Nalaman ni Ogie Diaz kung bakit hindi na pinangalanan pa ng BINI ang kanilang kinasuhan kamakailan
  • Nakausap umano ni Ogie ang handler ng BINI na siyang nagbigay ng detalye
  • Kamakailan ay nagsampa na ng unjust vexation case ang nasabing grupo
  • Ito ay dahil sa spliced video ng BINI na naibahagi ng isang netizen at naging sanhi ng matinding bashing sa tinaguriang "Nation's girl group"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang kamakailang pahayag, ibinahagi ni Ogie Diaz ang dahilan kung bakit pinili ng P-pop sensation na BINI na hindi na pangalanan ang netizen na kanilang kinasuhan kaugnay sa kumalat na spliced video.

Ogie Diaz, nalaman bakit hindi na pinangalanan ng BINI ang kanilang kinasuhan
BINI Jhoanna, BINI Gwen kasama ang kanilang handler na si MQ at si Ogie Diaz (Ogie Diaz)
Source: Youtube

Ayon kay Ogie, nakausap niya ang handler ng grupo at dito naipaliwanag kung bakit mas piniling manatiling tahimik sa pagkakakilanlan ng naturang indibidwal.

“Hindi na nila ini-release pa ang pangalan ng kanilang idinemandang netizen dahil baka ito naman ang bulabugin ng mga Blooms o ‘yung supporters ng BINI,” pagbabahagi ni Ogie na nakausap ang handler ng BINI na si MQ Mallari.

Read also

OFW na ina ng 5-anyos na nahuling sinasaktan ng boyfriend, sasampahan kaso kapatid na nag-video

Matatandaang nagsampa na ng kasong unjust vexation ang BINI matapos maging viral ang inedit na video mula sa “People vs. Food” vlog kung saan sila ay naging panauhin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa naturang clip, umani ng matinding pambabatikos ang tinaguriang 'Nation's girl Group.'

Bagama’t ibinaba na ng netizen ang video at naglabas ng public apology, hindi na napigilan ang pagdagsa ng milyon-milyong views at mapanirang komento laban sa walong miyembro ng grupo.

Sa kabila nito, nanindigan ang management ng BINI na ituloy ang kaso para ipaglaban ang karapatan ng mga bata at bigyang leksyon ang maling gawain online.

Narito ang kabuuang pahayag ni Ogie mula sa kanyang Showbiz Update channel:

Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon. Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.

Read also

JM De Guzman, ipinaliwanag kung bakit si Sue Ramirez ang favorite leading lady niya

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Samantala, kamakailan lamang ay naghain ng pormal na reklamo nitong Lunes sa Hall of Justice ng Sta. Rosa, Laguna ang walong miyembro ng OPM girl group na BINI, kasama ang kanilang abogado na si Atty. Joji Alonso.

Ayon kay Atty. Alonso, ang reklamo ay isinampa laban sa respondent dahil sa umano’y paglabag sa unjust vexation na nakasaad sa Article 287 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 4(b) ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Nilinaw ng abogado na ang kasong ito ay hindi libel. Ipinaliwanag niya na ang reklamo ay bunsod ng isang spliced o edited na video kung saan makikitang kumakain at nagre-rate ng street food ang grupo. Dahil sa ginawang pag-edit, lumabas na tila negatibo ang kanilang mga komento, na nagbago at sumira sa tunay na konteksto ng orihinal na nilalaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: