Juancho Triviño, kwinestiyon ng misis dahil sa 'nonchalant' reaction niya

Juancho Triviño, kwinestiyon ng misis dahil sa 'nonchalant' reaction niya

  • Si Juancho Triviño ay nag-viral dahil sa kanyang misis na si Joyce Pring
  • Kamakailan ay nag-post si Joyce ng video ng pag-uusap nila ni Juancho
  • Ngunit ang pagiging "nonchalant" umano ni Juancho ay napuna ni Joyce
  • Dahil dito ay may ibinunyag si Joyce na nakakaaliw na kwento ukol dito

Si Juancho Triviño, isang Kapuso actor, ay naging usap-usapan online matapos ibahagi ng kanyang misis na si Joyce Pring ang tungkol sa tila "nonchalant" nitong reaksyon nang ibalita niya ang pagkakamit niya ng Latin honors.

Juancho Triviño, kwinestiyon ng misis dahil sa 'nonchalant' reaction niya
Photos: @juanchotrivino, @joycepring on Instagram
Source: Instagram

Sa Facebook, nag-upload si Joyce ng video kung saan tinatanong niya ang asawa tungkol sa reaksyon nito. "Tignan mo, nonchalant talaga siya, bakit ba wala kang reaction? I-explain mo nga sakin," ani Joyce, na agad sinagot ni Juancho, "Guys, ito, pag parehas kaming nag-Summa Cm Laude, kanino kayo mas magugulat?" na nagdulot naman ng halakhakan sa mga netizens.

Nagbigay din si Joyce ng mas malalim na context tungkol sa kanilang usapan sa caption ng kanyang video. Ayon sa kanya, si Juancho ang unang tao na tinawagan niya nang malamang siya ay ga-graduate pala ng may Latin honors.

Read also

Boy Abunda, kinonsulta muna ang lawyers bago nilabas ang unreleased interview ni Liza Soberano

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"When I found out I was graduating Summa Cm Laude, the first person I called, naturally, was my husband. I had tears welling in my eyes: years of longing, hard work, and months of sleepless nights had finally come to full fruition. I was finally graduating, and with the highest honors."

Ngunit, hindi niya inaasahan ang sagot ni Juancho, "Ang sagot sakin ni Juancho nung tumawag ako to tell him the news? 'Wow, bebe… that's amazing, congrats.' Naudlot bigla yung iyak ko."

Kwento pa niya, nakausap na niya noon si Juancho tungkol dito, bagay na labis namang kinagiliwan ng maraming netizens, "Sabi ko sa kanya, 'Why aren't you excited?! Hindi ka ba magwawala sa tuwa with me?!' And here's his explanation for his nonchalant response."

Panoorin ang video below:

Si Juancho Triviño ay isang Filipino actor at TV host na nakilala sa kanyang mga proyekto sa GMA Network. Unang sumikat si Juancho sa mga palabas tulad ng Teen Gen at Villa Quintana. Isa rin sa mga pinaka-tumatak na role niya ang pagiging kontrabidang Padre Salvi sa hit series na Maria Clara at Ibarra. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin si Juancho bilang isang host at influencer. Ikinasal siya sa kilalang host-influencer na si Joyce Pring noong 2020, at ngayon ay may dalawang anak na sila. Madalas din niyang ibahagi sa social media ang kanyang buhay.

Read also

Ice Seguerra, ibinunyag ang bagay na ikina-frustrate niya bilang NYC chair noon

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2023, ibinahagi nina Juancho Triviño at Joyce Pring ang isang espesyal na sulyap sa kanilang bagong-renovate na house-for-rent, ang Casa de Eliam. Nag-upload ang mag-asawa ng epic tour ng bahay sa pamamagitan ng mga larawan, video, at isang mensahe. Batay sa naturang tour, ang Casa de Eliam ay mukhang maginhawa, functional, at elegante. Maraming netizens ang pumuri sa mag-asawa para sa kanilang bagong tagumpay.

Samantalang noong 2022, naghatid ng good vibes si Juancho Triviño sa social media dahil sa kanyang Instagram reel. Makikita sa reel ang isang nakakatawang skit kung saan bumili siya ng pagkain bilang ang kanyang karakter na si Padre Salvi mula sa Maria Clara at Ibarra. Pumunta sila ng kanyang mga kasama sa isang fast food chain at bumili ng fries at chicken, at iba pa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco