Ogie Diaz sa pangalang binigkas ni Liza sa kontrobersyal na vlog: "Feeling ko hindi ako ‘yun"

Ogie Diaz sa pangalang binigkas ni Liza sa kontrobersyal na vlog: "Feeling ko hindi ako ‘yun"

  • Naglabas ng pahayag si Ogie Diaz ukol sa mga nagsasabing siya ang nabigkas na pangalan ni Liza
  • Ito ay kaugnay sa bahagi ng kontrobersyal na vlog ukol sa Liza kung saan nagbabahagi ito ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya
  • Naniniwala umano si Ogie na hindi siya ang pinatungkulan ng dati niyang alaga
  • Maaring ang tiya pa raw umano nitong si "Joni" ang tinukoy ng aktres gayung ito raw ang kumupkop kay Liza nang mamalagi na ito sa Pilipinas

Nagbigay ng paglilinaw si Ogie Diaz kaugnay sa mga espekulasyong siya umano ang nabanggit na pangalan ni Liza Soberano sa kontrobersyal na vlog ng aktres, kung saan nagbahagi ito ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya.

Ogie Diaz sa pangalang binigkas ni Liza sa kontrobersyal na vlog: "Feeling ko hindi ako ‘yun"
Liza Soberano (Can I come in? YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Ogie, hindi siya naniniwalang siya ang tinutukoy ng dating alaga.

Posible raw na ang tiya nitong si “Joni” ang pinatutungkulan ni Liza, dahil ito ang kumupkop sa aktres nang manirahan na ito sa Pilipinas.

Read also

Ogie Diaz, sinabing totoo ang pahayag ni Liza: "Nakikipagkita siya sa psychiatrist noon"

“Ako feeling ko, hindi ko pangalan ‘yun. Feeling ko si Tita Joni. Kasi sila talaga ‘yung malapit sa isa’t isa. Si Tita Jonie ‘yung kumupkop kay Liza. Si Tita Joni rin ‘yung nagbigay ng pag-asa kay Liza,” paliwanag ni Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, mabait umano si Tita Joni at nananatili pa rin silang nag-uusap hanggang ngayon, taliwas kay Liza na matagal na niyang hindi nakakausap.

“In fairness to Tita Joni, mabait ‘yung tita niya. Kasi kung maldita ‘yun baka nga katigan ko si Liza. Kung si Joni nga yung binigkas niya. E mabait yung tao, hanggang ngayong nag-uusap kami. Si Liza hindi ko nakakausap e.”

Nilinaw din ni Ogie na ginawa nila ang kanilang bahagi bilang manager ni Liza, katuwang ang Star Magic, at ang anumang kulang pa ay nakasalalay na sa sariling pananaw ng aktres.

“Ako sa totoo lang, feeling ko hindi ako ‘yun. At alam naman ni Liza ang totoo. We’ve done our part bilang manager niya. Together with Star Magic. Ngayon kung kulang pa ‘yun e narrative na ni Liza ‘yun kung ano ang gusto niyang sabihin.”

Read also

Sabrina M, naghihintay ng public apology mula kay Vice Ganda

Gayunman, nananatili pa ring positibo ang pananaw ni Ogie at ipinahayag ang pasasalamat sa naging bahagi ni Liza sa kanyang buhay at karera.

“Basta ako, ang pinagpapasalamat ko pa rin na dumating si Liza sa buhay ko. At malaki rin naman ang naitulong, naiambag sa buhay ko ni Liza at hindi ko ‘yun kinakalimutan.”

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Read also

Katrina Halili, nakiusap sa publiko ukol kay Katie: "Maawa kayo sa akin at sa bata"

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Noong nakaraang taon, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito. Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica