Yen Santos, nagbigay ng pahayag para sa kanyang mga bashers
- Si Yen Santos ay muling nagbigay ng diretsong pahayag sa kanyang bagong YouTube vlog, na ngayon ay nakatuon sa kanyang mga bashers at kritiko, kasunod ng pagbabalik niya sa showbiz matapos ang ilang taong pahinga at pagharap sa iba’t ibang kontrobersiya
- Sa isang masayang question-and-answer segment kasama ang kaibigan habang kumakain sa loob ng kotse, tinanong siya kung ano ang gagawin o sasabihin niya kung personal niyang makakaharap ang kanyang bashers, at sagot niya ay “I still wish you well,” na nagpakita ng kanyang pagpili ng kapayapaan kaysa komprontasyon
- Ipinahayag ng aktres na tanggap niya na hindi siya para sa lahat at normal lamang na may mga taong hindi siya magugustuhan, ngunit pinili niyang ituon ang kanyang oras at enerhiya sa personal growth imbes na magpaapekto sa mga negatibong komento laban sa kanya
- Binanggit din ni Yen na “life is too short to spread hate” at mas mahalaga para sa kanya ngayon ang peace, purpose, at progress, sabay pagbibiro na idinadagdag niya rito ang “food,” habang umaasa na darating din ang panahon na makakaranas ng tunay na ngiti ang kanyang mga bashers
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pinili ni Yen Santos ang kapayapaan kaysa patulan ang mga bumabatikos sa kanya. Sa kanyang bagong vlog sa YouTube, nagkaroon siya ng question-and-answer segment kasama ang isang kaibigan habang kumakain sa loob ng sasakyan.

Source: Youtube
Isa sa mga tanong ay, “Kung makakaharap mo ang bashers mo sa earth, ano kaya magagawa mo or sasabihin mo sa kanila?” Sa payapang tono, tugon ni Yen: “Sa mga bashers ko, sa earth, I still wish you well.” Sa puntong iyon, sinabi ng kanyang kaibigan na napakabuting tao ni Yen.
Dagdag pa ng aktres, alam niyang hindi siya para sa lahat at tanggap niya iyon. Para kay Yen, walang masama kung hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka. Binanggit din niya na habang abala ang bashers sa pagpuna, mas nakatuon siya ngayon sa kanyang personal growth.
“Life is too short to spread hate,” wika pa niya, sabay banggit na pinipili niya ngayon ang peace, purpose, progress, at sa biro niyang dagdag, “food.” Umaasa rin siya na balang araw, ang kanyang bashers ay makakaranas din ng genuine na ngiti.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang vlog na ito ay bahagi ng kanyang pagbabalik-showbiz matapos ang ilang taong pahinga. Matatandaang ang huling proyekto niya bago ang break ay ang pelikulang A Faraway Land kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Paolo Contis. Mula nang bumalik, naging bukas si Yen sa pagsagot sa mga isyu na ikinabit sa kanyang pangalan, kabilang na ang kontrobersyal na relasyon at tsismis sa personal niyang buhay.
Si Yen Santos ay isang Filipina actress na unang nakilala sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Mula noon, nakagawa siya ng iba’t ibang teleserye at pelikula, kabilang ang mga dramang tumatak sa mga manonood. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kilala rin siya sa kanyang beauty at tahimik na lifestyle. Sa kabila ng mga intriga sa kanyang career at personal life, ipinapakita ni Yen na kaya niyang bumangon at magpatuloy sa positibong direksyon.
Sa kanyang unang YouTube vlog, diretsahang itinanggi ni Yen Santos ang tsismis na mayroon siyang anak kasama si businessman-politician Chavit Singson. Aniya, wala itong katotohanan at walang basehan ang ganoong mga usapan. Maraming fans ang nagpahayag ng suporta sa kanyang desisyon na linawin ang isyu.
Sa parehong vlog series, nagbigay si Yen ng mensahe hinggil sa kanyang nakaraang relasyon na tinawag niyang “a nightmare.” Humingi siya ng paumanhin sa lahat ng taong maaaring nasaktan sa sitwasyong iyon. Bagama’t hindi niya pinangalanan ang dating karelasyon, naging palaisipan ito sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh