Kim Chiu, emosyonal nang sorpresahin ng BFF na si Bela Padilla
- Si Kim Chiu ay nagulat at naging emosyonal nang biglaang dumating sa Cebu ang kaibigang si Bela Padilla upang siya ay sorpresahin habang may shooting
- Ayon kay Bela, bumiyahe siya sa kabila ng pagka-miss ng flight, pag-upa ng sasakyan, at isang 4-hour nap bago tuluyang makapunta sa lokasyon ni Kim
- Ibinahagi ni Bela na dahil pareho silang taurean, madalas nilang ayusin ang kanilang problema nang mag-isa ngunit ramdam nila ang isa’t isa kahit walang sinasabi
- Nagpasalamat si Kim sa effort ni Bela at inilarawan ang kanilang pagkakaibigan bilang lowkey pero puno ng kalidad at tunay na malasakit
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naging emosyonal si Kapamilya actress Kim Chiu nang sorpresahin siya ng matalik na kaibigan na si Bela Padilla sa Cebu. Sa gitna ng kanyang shooting, hindi niya inaasahan na darating si Bela matapos bumiyahe nang malayo para lang makita siya.

Source: Instagram
Sa isang Instagram reel na ibinahagi ni Bela, ikinuwento niya ang buong biyahe. Ayon sa kanya, nagsimula ito sa gabi bago ang kanyang flight papuntang Cebu. Na-miss niya ang kanyang unang flight at kinailangang sumakay sa mas huling oras. Pagdating sa Cebu, nag-rent siya ng sasakyan, dumiretso sa hotel, at nakatulog nang apat na oras bago naghanda upang puntahan si Kim.
Pagdating sa lokasyon ng shooting, nakita niya si Kim na nakaupo at nakikipag-usap sa mga tao sa paligid. Nang makita siya ng aktres, agad itong nagulat at naging emosyonal. “She doesn’t need to tell me anymore when I should show up,” pahayag ni Bela, na nagsabing pareho silang taurean at kaya nilang harapin ang mga problema mag-isa, ngunit dahil sa closeness nila, ramdam nila ang isa’t isa kahit walang salita.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ni Bela ang kanyang paghanga sa moral compass ni Kim, na aniya ay hindi na kailangang sabihan kung ano ang dapat gawin. Nagpahayag din siya ng hangarin na magkaroon si Kim ng ilang araw para makapagpahinga at makahinga mula sa kanyang busy schedule.
Sa comments section, ibinalik ni Kim ang pasasalamat sa kaibigan. “Thank you, moms! Never imagined na sobrang busy mo, you’d go this far, grabe, gulat talaga ako! Thank you!!!! We’re sooo twins na kahit walang sinasabi, we can already feel each other’s thoughts. Our friendship may be lowkey, but it’s pure quality,” wika ng aktres.
Si Kim Chiu ay isang kilalang aktres, TV host, at recording artist sa Pilipinas na unang nakilala matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya sa kanyang mga teleserye at pelikulang tumabo sa takilya, gayundin sa kanyang lively personality na kinagigiliwan ng maraming fans. Si Bela Padilla naman ay isang aktres, manunulat, at direktor na hinahangaan sa kanyang versatility sa entertainment industry. Ang kanilang pagkakaibigan, kasama si Angelica Panganiban, ay kilala sa showbiz bilang “AngBeKi,” na matagal nang nagbibigay ng inspirasyon sa fans dahil sa pagiging totoo at walang plastikan sa isa’t isa.
Kamakailan, ikinuwento ni Kim Chiu ang isang nakakakabang karanasan sa biyahe patungong Cebu. Habang nasa ere, inanunsyo ng piloto na mayroong aberya sa eroplano, dahilan upang kabahan ang aktres at ang iba pang pasahero. Sa kabila nito, nakarating sila ng ligtas at nagpasalamat si Kim sa maayos na paghawak ng crew sa sitwasyon.
Usap-usapan sa social media ang umano’y pag-unfollow nina Kim Chiu at ng kanyang kapatid na si Lakam sa isa’t isa sa Instagram. Ito ay nagpasimula ng spekulasyon tungkol sa posibleng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkapatid. Wala pang pahayag mula sa magkabilang panig, ngunit marami ang umaasa na maaayos din ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh