Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito

Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito

  • Si Zeinab Harake ay muling pinasaya ang kanyang mga fans at followers sa Instagram
  • Kamakailan ay binati kasi ni Zeinab ang kanyang "idol" na si Marian Rivera, isang aktres
  • Aniya Zeinab, labis ang kanyang saya sa opportunity na makilala nang lubusan si Marian
  • Dahil dito ay marami ang natuwa sa post na ito ni Zeinab para sa Kapuso Primetime Queen

Si Zeinab Harake, isang kilalang YouTube star at actress, ay pinasaya at pinakilig ang maraming netizens matapos niyang magbigay ng sweet at taos-pusong pagbati para sa kaarawan ni Marian Rivera, ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen, sa Instagram page niya nitong buwan lamang.

Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito
Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Kamakailan, sa Instagram, ibinahagi ni Zeinab ang isang larawan nila ni Marian mula sa kanilang recent collaboration. Dito, tinawag niya si Marian bilang kanyang 'idol' at 'inspiration,' at ibinahagi kung gaano siya kasaya na masuportahan ang isang artista tulad ni Marian.

"Happy birthday to my idol, my inspiration, my ninang, @marianrivera! I love you forever. Ang sarap mong suportahan dahil napakabuti mong tao, hindi lang sa pagiging artista, kundi sa pagiging totoong ikaw. Salamat sa chance na makilala ko ang tunay na ikaw. Stay blessed, and forever pinakamaganda. ILYSM!" ani Zeinab sa kanyang mensahe sa viral post niya sa Instagram.

Read also

Kris Aquino, emosyonal sa kondisyon ng panganay habang siya’y may sakit: “Kuya is traumatized"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Zeinab, labis ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong makilala at makatrabaho si Marian, na umano'y mas kahanga-hanga pa nga sa likod ng kamera. Samantala, kamakailan lang ay gumawa rin ng ingay si Marian sa social media matapos niyang magbahagi ng isang reel mula sa kanyang bonggang early birthday celebration sa sariling Instagram page niya ngayong buwan.

Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito
Screenshot mula sa Instagram ni @zeinab_harake
Source: Instagram

Si Zeinab Harake ay isang kilalang Filipino-Lebanese na YouTuber, actress, at social media influencer na kilala sa kanyang masiglang personalidad at nakakaaliw na content. Inilunsad ni Zeinab ang kanyang YouTube channel noong 2019 at agad siyang sumikat, at agad na naabot ang anim na milyong subscribers sa loob lamang ng unang taon. Noong December 2023, umabot na sa 13.9 milyon ang bilang ng kanyang subscribers. Kasama sa kanyang content ang mga lifestyle vlog, challenges, at mga collaboration kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya, na nagbibigay ng silip sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Pinalawak din ni Zeinab ang kanyang karera sa pag-arte nang siya ay mag-debut sa pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival horror entry na Kampon, kung saan nakasama niya lang naman sina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez.

Read also

Viral 'chair mishap' ni Paul Salas, ni-re-enact nina Max Collins at Bela Padilla kasama ang aktor

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay masayang binati ni Zeinab Harake sa social media ang kanyang anak na si Lucas. Kamakailan kasi ay sinelebrate ni Lucas ang kanyang 8th birthday party ngayong taon. Sa Instagram, ipinasilip din ni Zeinab ang simple ngunit meaningful na party ni Lucas. Marami naman ang natuwa sa post na ito ni Zeinab sa kanyang page.

Samantalang nagsalita na si Zeinab Harake sa mga negative comments na kanyang natanggap. Matatandaang isa si Zeinab sa mga rumampa sa fashion show ng designer na si Vee Tan. Agad na nag-viral sa social media ang video ng pagrampa na ito ni Zeinab sa nasabing event. Gayunpaman, may ibang netizens na tila hindi natuwa sa 'look' ni Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco