Dina Bonnevie, napahalakhak sa sagot ni Kristine Hermosa: "Yun pala!"

Dina Bonnevie, napahalakhak sa sagot ni Kristine Hermosa: "Yun pala!"

  • Si Dina Bonnevie ay talagang nawindang sa sagot ni Kristine Hermosa
  • Kamakailan ay nag-post sila ng bagong 'House of D' na episode sa YouTube
  • Dito ay tinalakay nila ang buhay-may-asawa at ang realidad na rin nito
  • Ngunit hindi talaga inaasahan ni Dina ang sagot na ito ng kanyang manugang

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Dina Bonnevie, isang beteranang aktres, ay hindi napigilan ang kanyang pagkagulat matapos marinig ang sagot ng kanyang manugang sa isang tanong niya. Sa pinakabagong episode ng kanilang online show na House of D sa YouTube, nagtipon si Dina kasama ang kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Boy Sotto, pati na rin ang kanilang mga asawa na sina Marc Pingris at Kristine Hermosa, upang pag-usapan ang tungkol sa buhay-may-asawa at ang realidad nito pati.

Dina Bonnevie, napahalakhak sa sagot ni Kristine Hermosa: "Yun pala!"
Photos: HOUSE OF D on YouTube
Source: Youtube

Sa kanilang masayang ngunit makahulugang talakayan sa show, binigyang-diin ni Dina ang kahalagahan ng pagiging "in the mood" at ang malaking papel nito sa relasyon ng mag-asawa.

Read also

Hinala ng pagtataksil, nauwi sa pananaksak; babae, sugatan sa kamay ng asawa

Sa kalagitnaan ng usapan, diretsahang tinanong ni Dina, "Eh papano kapag in the mood ka pero pagod si hubby? Papano yun?" Agad namang sumagot si Kristine nang tapat, isang bagay na kinagiliwan ng marami, "Kailangan nilang respetuhin yun, kailangan nilang pagbagyan ka."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, nagulat si Dina at ipinakita ang kanyang shocked reaction bago siya humalakhak nang malakas na siyang nagpasaya rin sa lahat ng naroon. Ayon kay Dina, ibang sagot ang inaasahan niya mula kay Kristine kung kaya't talagang nagulat siya sa sinabi nito sa kanilang interview: "Akala ko kailangan respetuhin yung pagod nung asawa, yun pala! Kailangan pagbigyan ka."

Ang nakakatuwang palitan ng sagot at reaksyon ay nagdala ng tawanan at kilig sa mga manonood ng naturang episode, na patunay sa natural at masayang samahan ng pamilya na ito.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Dina Bonnevie ay isang beteranong Filipina actress na kilala dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula at telebisyon. Ipinamalas niya ang husay sa larangan ng pag-arte sa mga iconic films tulad ng Katorse, Magdusa Ka, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, at Gumapang Ka sa Lusak. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Dina sa kabilib-bilib niyang pagganap na nagdala sa kanya ng maraming parangal. Sa kasalukuyan, bumabalik siya sa hosting bilang host ng bagong family talk show na House of D, kasama ang kanyang mga anak na sina Oyo at Danica Sotto, at ang mga asawa nila, na nagpapakita ng kanilang tunay na buhay bilang pamilya.

Read also

Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nanindigan si Dina Bonnevie sa kanyang pagiging prangka at tapat sa pagsagot sa mga isyu, at hindi siya natitinag kahit makatanggap pa ng bashing sa publiko. Ipinahayag niya na handa siyang tanggapin ang mga kritisismong may kabuluhan at makakatulong sa kanyang, ngunit hindi niya pinapansin ang mga walang saysay na puna. Sa kanyang panayam, sinabi ni Dina na wala siyang balak baguhin ang kanyang personalidad.

Samantalang noong May ay nag-post si Dina Bonnevie sa Instagram ng video tribute para sa yumaong asawang si DV Savellano. Sa kanyang caption, inilahad ng beteranang aktres ang patuloy na sakit ng pagdadalamhati at ang pagnanais na muling maramdaman ang yakap ng asawa. Nanatili ang pananampalataya ni Dina na ang asawa ay kasama na ni Jesus sa langit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco