Vice Ganda, 'ipinaubaya' si Cristy kay Bea: "Sagot tayo ni Ate Bea, siya nang bahala"
- Sorpresang dumalo sina MC Muah at Lassy Marquez sa ‘Super Divas’ concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum
- Biniro ni Vice Ganda ang dalawa tungkol sa isyung umano’y alitan nila na binanggit sa ilang showbiz talk shows
- Nadamay sa biruan si Kapuso star Bea Alonzo na nanonood din ng concert kasama ang boyfriend
- Naging kontrobersyal din ang concert dahil sa parody ni Vice Ganda kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mainit na usap-usapan ang muling pagsasama nina Vice Ganda, MC Muah, at Lassy Marquez matapos magpakita ng suporta ang dalawang komedyante sa ‘Super Divas’ concert ng Unkabogable Star noong Agosto 8–9 sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Source: Instagram
Sa gitna ng masayang pakikipag-interact ni Vice sa audience, namataan niya ang dalawang kaibigan na nanonood sa kaniya. “So you made it,” ani Vice Ganda sa dalawa, sabay banat ng biro: “Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yong narrative. Mawawalan sila ng content.”

Read also
Vice Ganda, todo hugot sa “No ID, No ID” system sa Pinas: “Kaya ka nga kukuha ng ID kasi wala kang ID”
Ang tinutukoy ni Vice ay si showbiz insider Cristy Fermin, na dati nang nagbigay ng komentaryo hinggil sa umano’y hindi pagkakaunawaan nila ni MC, na sinasabing nag-ugat sa komprontasyon sa vlog ni Vice. Dahil dito, napansin ng mga manonood na matagal nang hindi nakikita sina MC at Lassy sa noontime show na It’s Showtime.
Ngunit ayon kay MC, hindi nila kayang palampasin ang concert ng kaibigan. “Siyempre hindi namin puwede ma-miss ‘yong concert mo,” sagot ni MC. Sa isa pang eksena, kumalat ang video kung saan magkakasama na ang tatlo sa entablado. “Ipinakikita lang talaga nating nagkakaisa talaga tayo,” wika ni Vice.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagpatuloy pa sa biro si Vice, na sana raw hindi na pumunta ang dalawa dahil masisira ang narrative na may alitan sila. “Malulungkot na naman si Cristy. Masisira ‘yong narrative ni Cristy na magkakaaway tayo. Huwag kayong mag-alala, may magtatanggol sa atin,” sabi ni Vice. Nang tanungin kung sino, itinuro niya si Kapuso star Bea Alonzo, na nanonood din kasama ang boyfriend na si Vincent Co. “Bea, you handle it!” biro ni Vice, habang ipinapakita sa screen ang natatawang si Bea.
Matatandaang si Bea ang complainant sa kasong cyber libel laban kina Cristy Fermin at co-hosts nitong sina Romel Chika at Wendell Alvarez, na kamakailan ay nakapagpiyansa kaugnay sa kanilang YouTube content.
Bukod sa masayang reunion moment, naging kontrobersyal din ang concert dahil sa parody ni Vice kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na umani ng kritisismo mula sa ilang netizens, lalo na sa mga tagasuporta ng dating pangulo. Maliban kay Meme Vice, tampok din sa concert ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Si Vice Ganda, o Jose Marie Borja Viceral sa totoong buhay, ay isa sa pinakatanyag na komedyante, TV host, at performer sa bansa. Kilala siya sa kaniyang matalas na wit, pagpapatawa, at makukulay na performances. Bukod sa It’s Showtime, nakilala rin siya sa mga box-office films at sold-out concerts. Sina MC Muah at Lassy Marquez naman ay mga stand-up comedian at close friends ni Vice, na madalas ding kasama sa kanyang live shows at tours.

Read also
Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay
Sa isang panayam, inamin ni Vice Ganda na nag-stopover siya sa isang fast food chain habang papunta sa GMA Gala 2025. Ayon sa kanya, hindi niya pinagsisisihan ang desisyon dahil mas pinili niyang masiyahan sa simpleng pagkain kaysa magmadali sa event. Dagdag pa ni Vice, minsan ay mas masarap ang simpleng moments kaysa sa magarbong okasyon.
Pinahayag ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa ilang content creators na inuuna ang pagpapasikat at pagte-trending kaysa sa kalidad ng content. Ayon sa kanya, mas mahalaga pa rin ang pagbibigay ng positibong mensahe at tunay na aliw sa audience kaysa sa pansamantalang kasikatan sa online platforms.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh