Komento ni Vice Ganda sa pagkuha ng ID, trending sa social media
- Tinalakay ni Vice Ganda sa segment na “Masasagot Mo Ba?” ng “It’s Showtime” ang karaniwang nakapaskil sa mga paaralan na “No ID, No Entry” na nauwi sa mas malalim na banat sa sistema ng pagkuha ng ID sa Pilipinas
- Ayon kay Vice, isang malaking kalituhan ang pagre-require ng ID para makakuha ng ID, lalo na para sa mga taong wala pa talagang kahit anong government-issued identification
- Nagpatawa ngunit tumagos sa damdamin ng manonood ang obserbasyon ng komedyante na tila imposibleng magkaroon ng ID kung ang unang hinihingi ay mismong bagay na wala ka pa
- Umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang pahayag, karamihan ay sang-ayon at nagsabing naranasan din nila ang parehong sitwasyon sa pag-aasikaso ng kanilang valid ID
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-trending sa social media ang naging talak ni Vice Ganda sa segment na “Masasagot Mo Ba?” ng “It’s Showtime” matapos niyang tirahin ang nakakalitong proseso ng pagkuha ng valid ID sa Pilipinas.

Source: Youtube
Sa tanong na “Kumpletuhin ang karaniwang nakapaskil sa mga paaralan: ‘No ID, No ______,’” mabilis na sinagot ni ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe ng “Entry.” Mula rito, nagbiro at nagbigay ng mas malalim na punto si Vice tungkol sa “No ID, No ID” system na tila patuloy na problema sa bansa.
“‘Di ba? Kaya ka nga nagpapagawa ng ID kasi wala kang ID para magkaroon ka ng ID,” wika ni Vice, habang tinutukoy ang sitwasyon kung saan ang isang aplikante ay hihingan ng ID para makakuha ng ID. Dagdag pa niya, “Kaya hindi ka magkaka-ID sa bansang ito!”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasama sa diskusyon ang co-hosts at mga contestants na natawa pero aminadong totoo ang obserbasyon ng komedyante. Narinig din sa studio ang hiyawan ng madlang pipol na tila relate na relate sa isyu.
Marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang sariling karanasan, gaya ng ilang beses na pagbabalik sa opisina o pagkakaroon ng dagdag na gastos para lang magpakita ng ibang identification na hindi naman lahat ay agad available.

Read also
Bela Padilla, nagsalita tungkol sa breakup nila ng Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay
Si Vice Ganda, kilala bilang “Unkabogable Star,” ay matagal nang gumagamit ng comedy bilang plataporma para talakayin ang mga isyu sa lipunan sa paraang nakakatawa ngunit may kurot sa katotohanan. Madalas ay nagiging viral ang kanyang mga banat dahil relatable sa maraming Pilipino.
Ang isyu ng ID requirements ay matagal nang inirereklamo ng publiko, lalo na ng mga first-time applicants ng government-issued ID gaya ng postal ID, UMID, o driver’s license. Para sa marami, ang proseso ay nagiging cycle na mahirap pasukin kapag wala ka pang primary ID na hinihingi bilang requirement.
Sa kabila ng pagiging Kapamilya, dumalo si Vice Ganda sa GMA Gala 2025 kung saan nakuhanan niya ng glamorous shot sina Anne Curtis at Heart Evangelista. Ang naturang moment ay agad na pinag-usapan sa social media, patunay sa husay ni Vice na magdala ng aliw at intriga sa kahit anong okasyon.
Matapos ang magarbo at punong-puno ng fashion na GMA Gala, nagbahagi si Vice ng kwento kung bakit sila huminto sa isang fast food chain. Ayon sa kanya, simple lang ang dahilan—gutom na sila at gusto lang nilang mag-relax pagkatapos ng event. Ang candid na moment na ito ay kinatuwaan ng fans na gustong makita ang kanyang natural na side.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh