Arci Muñoz sinagot ang komento ng netizens ukol sa kanyang “new look”

Arci Muñoz sinagot ang komento ng netizens ukol sa kanyang “new look”

  • Naglabas ng reaksyon si Arci Muñoz kaugnay ng mga komento ng netizens tungkol sa kanyang “new look” matapos mag-viral ang kanyang TikTok video
  • Ayon sa aktres, wala siyang ideya sa mga komento online dahil abala siya sa trabaho at mas pinipili niyang hindi tutukan ang mga isyu tungkol sa kanya
  • Inamin ni Arci na dati siyang nagpa-cosmetic enhancement at hindi niya ito itinatanggi, ngunit nilinaw din niya na hindi niya ito inirerekomenda sa iba at minsan ay pinagsisihan niya ito
  • Muli niyang iginiit na natural ang kanyang katawan at hinimok niya ang publiko na pagtuunan ng pansin ang sarili nilang buhay sa halip na pakialaman ang hitsura ng iba

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Walang patumangga ang sagot ni Arci Muñoz sa mga netizens na may opinyon sa kanyang "new look." Sa isang panibagong panayam, diretsahan niyang sinagot ang mga katanungan at puna tungkol sa kanyang itsura na una nang naging usap-usapan matapos maglabas ng TikTok video kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagbabago.

Read also

Dustin Yu, nilinaw ang dahilan ng kanyang nose enhancement

Arci Muñoz sinagot ang komento ng netizens ukol sa kanyang “new look”
Arci Muñoz sinagot ang komento ng netizens ukol sa kanyang “new look” (📷Arci Muñoz/Facebook)
Source: Facebook

“Pero ito naman talaga ‘to. Maganda na ako. Partida, nagpapangit pa nga ako,” ani Arci, na halatang sanay na sa mga puna pero hindi basta-basta nagpapatalo.

Ayon sa aktres, hindi siya updated sa mga nangyayaring diskusyon online dahil abala siya sa kanyang mga gawain. Ngunit nang tanungin siya tungkol sa mga komento ng netizens na tila nagtatanong kung ito na ba ang kanyang “final look,” isang matapang na pahayag ang kanyang binitawan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Pero marami nang problema sa mundo. Problemahin n’yo na lang ‘yung mukha n’yo, ‘wag ‘yung mukha ng ibang tao,” sagot niya, sabay tawa.

Kilala si Arci Muñoz bilang isa sa mga artistang bukas sa ideya ng cosmetic enhancements. Sa isang panayam noong Marso, inamin niyang dumaan siya sa mga procedure pero hindi niya ito ikinokonsiderang gawin ng lahat. “OG na OG na nga ako diyan,” sabi pa niya noon. Ngunit sa kabila ng pagiging open niya, inamin din ni Arci na may mga pagkakataong pinagsisisihan niya ang mga pagpapabago sa kanyang hitsura.

Read also

Kim Rodriguez, nanatiling tikom ang bibig sa isyung may karelasyong politiko

Gayunman, nilinaw niya sa publiko na ang kanyang katawan ay hindi naapektuhan ng anumang enhancement. “Natural ito,” giit ni Arci matapos ang isang komento ng netizen na nagpaparatang na nagpa-enhance siya ng katawan.

Si Arci ay isang kilalang aktres, recording artist, at dating pageant contestant. Sumikat siya sa iba’t ibang teleserye gaya ng Pasion de Amor at Since I Found You, at isa rin siya sa mga artistang hindi takot ipakita ang kanyang individuality—maging sa fashion, lifestyle, o personal na paninindigan. Kilala rin siya sa kanyang pagiging vocal pagdating sa self-expression at women empowerment.

Sa isang artikulo ng Kami.com.ph nitong Mayo 2024, itinanggi ni Arci Muñoz ang kumakalat na ispekulasyon na may kaugnayan siya sa isang bata na kasama niya sa viral photos. Nilinaw ng aktres na hindi niya anak ang bata at inilahad na ang nasabing larawan ay bahagi lang ng isang simpleng bonding moment. Basahin ang buong detalye dito.

Read also

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

Samantala, sa isa pang ulat noong Hulyo 2024, muling binalikan ni Arci ang isyu ng body enhancement. Tahasan niyang itinanggi na nagpa-enhance siya ng katawan, sa kabila ng mga haka-haka ng ilang netizens. Aniya, “lahat natural” at hindi umano niya kailangang baguhin ang kanyang katawan. Basahin ang article dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate