Bernadette Sembrano at ang mister niya, na-pickpocket sa Switzerland
- Ibinahagi ni Bernadette Sembrano sa Facebook ang di inaasahang pangyayari sa kanilang bakasyon
- Kamakailan ay lumipad patungong Switzerland si Bernadette at ang kanyang mister
- Dito ay naging biktima sila ng isang pickpocketer sa habang nasa 1st Class train sila
- Sa kanyang post, nag-raise ng awareness si Bernadette para sa mga Pilipinong nagta-travel
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ni Bernadette Sembrano ang isang hindi inaasahang karanasan nila ng kanyang asawa habang nagbabakasyon sa Switzerland — sila ay nabiktima lang naman ng isang pickpocketer.

Source: Instagram
Sa isang post na inilathala niya sa kanyang Facebook page nitong Thursday, July 31, nagbahagi si Bernadette ng ilang magagandang larawan mula sa kanilang bakasyon. Ngunit kasabay nito ay isang paalala sa mga kapwa biyahero tungkol sa pagiging alerto at mapagmatyag kahit sa mga lugar na inaakalang ligtas. "We got pickpocketed in Switzerland. We were on a 1st Class train coach when a man boarded during a quick stopover," panimula ni Bernadette sa kanyang post.
Ayon sa kanya, mukhang karaniwan lamang ang lalaki na sumakay ng tren at walang anumang kahina-hinala sa kilos nito. "He seemed like any other passenger, but when we arrived at our destination and started unloading our luggage, we didn't notice he had already slipped out... along with asawa's backpack. It was only after the train left that we realized it was gone," ani niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang post, iginiit din ni Bernadette na mahalagang maibahagi ang karanasang ito hindi lamang upang ikuwento, kundi bilang babala at paalala sa iba. "I'm sharing this on the vlog not just to tell the story, but to remind fellow travelers to stay alert. Even in the most beautiful places, things like this can happen," pag-warn pa nga ng kilalang broadcast journalist sa FB post niya.
Sa kabila ng insidenteng iyon, mas pinili pa rin ni Bernadette na tumutok sa kagandahan ng kanilang trip sa Switzerland. "Still, Switzerland was breathtaking! We visited Crash Landing On You filming spots in Interlaken, and Zermatt looked like it was straight out of a dream," ani niya.

Read also
Claudine Barretto, personal na inayusan si Aida Patana sa burol: “Napag-usapan na namin ito”
Si Bernadette Sembrano ay isang kilalang Filipina broadcast journalist, newscaster, at television host. Nagsimula ang kanyang karera sa radyo noong 1997 sa IBC-13. Isa siyang anchor ng Saksi at dating host ng unang public-service program na Wish Ko Lang! Noong 2004 ay lumipat siya sa ABS‑CBN at mula 2005 ay naging co-anchor siya ng TV Patrol Weekend. Sa radyo naman, naging bahagi siya ng DZMM programs gaya ng Radyo Patrol Balita Alas Dose, at pati Gising Pilipinas.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2021, ibinahagi ni Bernadette Sembrano sa kanyang social media na siya ay ganap nang gumaling mula sa COVID-19. Nag-post ang news anchor at reporter ng litrato ng medical certificate mula sa doktor na nagpapatunay na siya ay wala na sa panganib ng nakamamatay at nakahahawang sakit. Dahil dito, opisyal na siyang nakaligtas sa COVID-19.
Samantalang noong 2019, nagbahagi si Bernadette Sembrano sa kanyang social media ng karanasan niya matapos siyang kabahan para sa kanyang asawa kaugnay ng milk tea na ininom nito. Ang naturang post ay nag-udyok sa milk tea shop na pansamantalang isara ang kanilang branch sa Greenbelt, Makati para sa isang sanitary inspection. Nagpasalamat ang newscaster sa kumpanya ng milk tea sa agarang pagkilos na kanilang isinagawa matapos ang viral post niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh