Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

  • Inamin ni Alma Moreno na umiyak siya sa hotel room ng tatlong araw matapos ang 2015 interview ni Karen Davila para sa ANC Headstart
  • Naramdaman niya raw ang kahihiyan dahil sa tila paulit-ulit at madiing tanong sa kanya na nagdulot ng pagkataranta
  • Sa panahong iyon ay nag-check-in siya sa hotel kasama ang kanyang mga anak upang makapagpahinga mula sa emosyonal na bigat
  • Nilinaw niya sa panibagong panayam na napatawad na niya si Karen at wala siyang galit o hinanakit sa nangyari

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ilang taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Alma Moreno ang naging viral interview niya noong 2015 sa Headstart ni Karen Davila, kung saan siya ay kinapanayam bilang kandidato sa pagka-senador. Sa panibagong panayam ng direktor na si Ronald Carballo sa kanyang vlog, emosyonal na inalala ni Alma ang epekto ng panayam sa kanyang personal na estado.

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila
Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila (📷DIREKwentuhan with Ronald Carballo/YouTube)
Source: Youtube

“Iniyak ko ‘yon. Siguro kasi nasasagot ko pero dinidiin eh. Inikot-ikot ako so na-rattle ako,” pag-amin ni Alma. Dagdag pa niya, sa sobrang bigat ng emosyon, nag-check in siya sa isang hotel kasama ang mga anak at nanatili doon ng tatlong araw para maghilom.

Read also

Epy Quizon, nakakatanggap pa rin ng "allowance" mula sa kanyang ama na si Dolphy

Ang interview na naging usap-usapan sa social media ay naglalaman ng tanong ni Karen ukol sa samesex marriage, Anti-Discrimination Bill, at Reproductive Health Law. Isa sa mga pinakatumatak sa mga netizen ay nang sabihin ni Alma, “Kailangan laging bukas ang ilaw kapag natutulog,” bilang sagot sa usaping birth control — na naging puntirya ng katatawanan at memes sa internet.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit sa kabila ng lahat, nilinaw ni Alma na wala siyang galit kay Karen. Nang tanungin kung may hinanakit pa ba siya, mabilis ang kanyang sagot: “Wala. Napatawad ko na siya.” Para kay Alma, bahagi lamang ito ng isang panahong hindi niya inaasahan pero napagdaanan niya nang buong tapang.

Si Alma Moreno, Venesa Moreno Lacsamana sa tunay na buhay ay ipinanganak noong Mayo 25, 1959 mula sa Ilocos Sur. Sa politika, nagsilbi siyang city councilor ng Parañaque at naging senatorial aspirant noong 2015 para sa eleksyong 2016 . Noong Nobyembre 11, 2015, nag-guest siya sa programa ni Karen Davila sa ANC's Headstart, kung saan tinanong siya ng host tungkol sa kanyang advocacy position sa RH law, samesex marriage at anti-discrimination bill. Dahil sa kontrobersyal na takbo ng interview, naging viral ito at siyang ginamit ni Moreno bilang mahalagang aral sa kanyang pamilya’t kabuhayan

Read also

Alex Gonzaga, napa-"ay sandale" sa beach photos ni Zeinab Harake

Noong 2021, lumabas sa balita na dumaan sa hamong pinansyal si Alma Moreno dahil sa pandemya. Ngunit ayon sa kanyang panayam, nabayaran na niya ang kanyang utang sa kuryente at hindi na siya pinasingil pa ng renta ng kanyang mabait na landlord sa condo. Isa ito sa mga patunay ng kanyang matibay na karakter sa gitna ng krisis.

Sa isang hiwalay na panayam, ibinahagi ni Alma na isa sa mga pinagsisisihan niya sa buhay ay ang hindi pagtatapos sa kanyang edukasyon. Bagamat malayo ang narating sa showbiz at pulitika, aminado siyang ibang klaseng karunungan ang dala ng pormal na edukasyon. Patuloy pa rin siyang nagsisilbing inspirasyon sa mga single moms at working women.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: