Janica Nam, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis sa isang cute na video: "Oops"
- Ikinatuwa naman ng marami ang panibagong post ni Janica Nam sa kanyang TikTok
- Kinumpirma na kasi ng internet personality ang kanyang pagbubuntis sa publiko
- Sa nasabing video, makikitang may hawak na pregnancy test si Janica sa harap ng cam
- Ang sunod na ginawa ni Janica matapos ipakita ang resulta ng PT ay kinaaliwan ng marami
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ikinatuwa naman ng maraming fans at tagasubaybay ni Janica Nam, isang kilalang model at internet personality, ang kanyang masayang balita sa social media na siya ay buntis na.

Source: Instagram
Noong Tuesday, July 29, ibinahagi ni Janica ang kanyang pregnancy announcement sa pamamagitan ng kanyang opisyal na TikTok account. Sa naturang video, makikitang hawak ni Janica ang isang pregnancy test habang tinatakpan ang resulta gamit ang kanyang daliri.
Ngunit matapos ang ilang segundo, inalis niya ito upang ipakita ang positibong resulta — isang tagpo na umani ng nakakatuwang reaksyon mula sa kanya at sa kanyang asawa na si Lorenz Sia.
Bagama't masaya na ang simula ng video, mas ikinatuwa pa ng mga netizens ang sunod na ginawa ni Janica — lumayo kasi siya sa camera upang ibida ang kanyang big baby bump. Dahil dito, hindi lamang pagbati kundi pati mga nakakatawang komento ang natanggap ng mag-asawa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizen matapos makita ang video ni Janica:
"Pa-second opinion ka pa, mhie."
"I'm sure isa si Franco sa masaya sa taas."
"Aaww, who would've thought! I'm so happy for you both!"
"Super nakaka-happy naman ito, been a fan since 2017 pa."
"Can't wait to see you guys' baby! Huhu, cutie niyo both dito."
Ang anunsyong ito ay isang emosyonal na milestone para kay Janica na matagal nang minahal ng kanyang followers noon pa. Hindi rin nakalimutan ng ilan sa kanyang mga fans online na banggitin si Franco, ang yumaong partner ni Janica, na tiyak daw na masaya rin para sa kanya.
Sa ngayon, patuloy na bumabaha ng suporta at pagbati ang viral na TikTok video ni Janica.
Matatandaan din na noong June lamang ay inanunsyo ni Janica ang kasal nila ni Lorenz.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Janica Nam Floresca ay isang model at social media influencer. Nakilala rin siya bilang dating kasintahan ng yumaong dancer at TV personality na si Franco Hernandez, na nasawi sa isang boating incident. Sa kasalukuyan, mas naging aktibo si Janica sa social media, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang love life kasama ang kanyang bagong partner na si Lorenz Sia.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2023 ay nagbahagi si Janica Nam ng sunod-sunod na mga larawan sa kanyang Instagram feed. Makikita sa kanyang post ang ilang sandali mula sa pagbisita niya sa yumaong Hashtag member na si Franco Hernandez sa anibersaryo ng kanyang kamatayan. Kapansin-pansin na kasama niya ang kanyang kasalukuyang kasintahan.
Samantalang, noong 2019 ay ginunita naman ni Janica Nam ang ika-2 anibersaryo ng kamatayan ng kanyang yumaong kasintahan na si Franco Hernandez, isang Hashtag member. Sa kanyang post sa social media, inamin niyang nahirapan siya matapos ang pagpanaw ni Franco. Ibinunyag din niya sa kanyang hirap siyang ngumiti at manatiling matatag matapos ang trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh