Antoinette Jadaone, may pa-trivia tungkol kay Piolo Pascual: "Ayaw niya magpabayad"

Antoinette Jadaone, may pa-trivia tungkol kay Piolo Pascual: "Ayaw niya magpabayad"

  • Ibinunyag kamakailan lang ni Antoinette Jadaone ang kabutihan ni Piolo Pascual
  • Sa Instagram, ibinahagi kasi ng direktor na napanood na ni Piolo ang 'Sunshine'
  • Dahil dito, ni-reveal ni Direk Antoinette na agad na um-oo si Piolo sa pelikula
  • Aniya nga ni Direk Antoinette, labis siyang thankful sa suporta ng Kapamilya star

Ikinatuwa naman ng marami ang balitang napanood na ng Kapamilya star na si Piolo Pascual ang drama film na Sunshine, na dinirek ng multi-awarded filmmaker na si Antoinette Jadaone.

Sa isang Instagram post nitong Monday, July 28, masayang ibinahagi ni Direk Antoinette na napanood na ni Piolo ang pelikula na kinabibilangan din niya. "Napanood na kagabi ni Pastor @piolo_pascual. Thank you, sir, for making time!" ani ng direktor sa kanyang caption sa app.

Antoinette Jadaone, may pa-trivia tungkol kay Piolo Pascual: "Ayaw niya magpabayad"
Photos: @tonetjadaone, @piolo_pascual on Instagram
Source: Instagram

Bukod sa pagbabahagi ng kanyang tuwa, nagkuwento rin si Direk Antoinette ng nakakatuwang trivia tungkol sa karakter ni Piolo sa pelikula. Aniya nga niya, "Trivia: Ang na-imagine ko talaga kay Pastor na tatay ni Miggy ay pogi, mabango, mukhang mayaman, mukhang kapita-pitagan. Kasi kung parang si Piolo Pascual ang pastor/bibiyenanin mo, tatangi ka ba sa offer niya?"

Read also

Andi Eigenmann, labis na naiyak at napatalon sa sorpresa ng kanyang mga kapatid

Ngunit ang pinakatumatak sa mga netizen ay ang rebelasyon ni Direk Antoinette na hindi tinanggap ni Piolo ang anumang bayad para sa kanyang partisipasyon sa pelikula. Ayon sa kanya, agad tumugon si Piolo nang matanggap ang script, at tumanggi pa ito kahit sa honorarium.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sir Piolo said yes pagka-send ko ng script. Pero ayaw niya magpabayad. Kahit honorarium, ayaw. Edi kinuha ko na lang. Charez. THANK YOU SIR! Salamat sa support, hindi lang sa Sunshine pero sa iba pa. Amen," pagbabahagi pa ng direktor sa kanyang now-viral post sa Instagram page niya.

Marami ang humanga sa pagiging mapagkumbaba ni Piolo Pascual, na sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nag-atubiling suportahan ang proyekto ng walang hinihinging kapalit.

Si Piolo Pascual ay isang Filipino actor, singer, model, host at film producer. Sa showbiz, siya ay kilala bilang The Ultimate Heartthrob. Bukod sa pag-arte, namayagpag din si Piolo bilang isang singer at producer. Pinangunahan din niya ang Spring Films, isang independent film production company na may mga matagumpay na pelikula tulad ng Kita Kita, Kimmy Dora trilogy, Meet Me in St. Gallen, at Hayop Ka! na unang Pilipinong animated film na sumali sa Netflix release. Ang kanyang husay, dedikasyon, at impluwensiya sa industriya ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan; patunay sa pagiging multi-talented na artist ni Piolo sa local show business.

Read also

Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong April ay naging usap-usapan si Piolo Pascual matapos ma-post ang larawan niya kasama ang isang modelo. Mismong ang Filipino-Chinese model ang nagbahagi ng larawan sa kanyang Instagram. Pumukaw ng atensyon ang naturang larawan dahil tila sweet umano si Piolo sa modelo na ikinagulat ng marami.

Samantalang noong January, sa isang panayam kay Toni Gonzaga, ibinunyag ni Piolo Pascual na 13 taon na mula nang huli siyang nagkaroon ng love life. Ipinahiwatig din niya na hindi niya ito masyadong hinahanap dahil masaya siya sa pagiging solo. Biniro pa ng batikang aktor na tila nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng may love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco