Yen Santos, humingi ng tawad sa nasaktan sa kanyang nakaraang relasyon
- Sa kanyang unang vlog sa YouTube, nagsalita si Yen Santos tungkol sa dating relasyon na tinawag niyang isang “nightmare”
- Bagama’t hindi niya pinangalanan, lumabas ang mga pahayag matapos ang pagkumpirma noon ni Paolo Contis na sila ay naging magkasintahan
- Humingi ng tawad si Yen sa mga nasaktan dahil sa kanyang mga naging desisyon, at inamin niyang siya ay nagkamali
- Nilinaw din niya ang matagal nang tsismis tungkol kay Chavit Singson, na itinuring niyang malapit na kaibigan ng pamilya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matapang at buong loob na humarap sa kamera ang aktres na si Yen Santos sa kanyang unang vlog na pinamagatang “Questions I Am Desperate to Answer.” Sa nasabing video, hindi siya nagpaliguy-ligoy.

Source: Youtube
Bagkus, tapat niyang ibinahagi ang mga matagal nang tanong ng publiko — mula sa kanyang kontrobersyal na relasyon hanggang sa matagal nang usap-usapan tungkol kay dating gobernador Chavit Singson.
Tinawag ni Yen ang isa sa kanyang mga nakaraang relasyon na isang “nightmare.”
“It was such a huge blessing that it ended. A big blessing that I woke up from that nightmare and walked away — because it really wasn’t worth it,” saad niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Paolo Contis, ngunit ang panahon ng kanyang pagsasalita ay nagtugma sa naging timeline ng kanilang naging relasyon, na kinumpirma ni Paolo noong Enero 2023. Sa gitna ng isyu, inalmahan ng publiko ang diumano’y pag-overlap nito sa relasyon ni Paolo kay LJ Reyes. Bagama’t nilinaw ni Contis noon na sila ni Yen ay nagkadebelopan after umalis ng bansa si LJ, nanatiling tahimik si Yen—hanggang ngayon.
Sa vlog, inamin ni Yen na matagal din niyang pinilit na i-justify ang relasyon, kahit alam niyang may mga taong nasaktan.
“To those I hurt during that time, I’m so sorry. I have no excuse. I was wrong. I made a mistake.”
Bukod dito, binasag rin niya ang matagal nang tsismis na may anak daw sila ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson.
“Guys, that’s not our child. That’s my brother. He’s my youngest sibling,” paliwanag ni Yen.
Dagdag niya, ninong ng kapatid niya si Singson at matagal nang kaibigan ng kanilang pamilya. Kwento pa ni Yen, nang nagsisimula pa lang siya sa showbiz, labis siyang nasaktan sa isyu at hindi alam kung paano ito haharapin. Ngayon, mas kaya na raw niyang tawanan ito at planong gumawa pa nga ng content kasama si Singson para tuluyang tapusin ang tsismis.
Sa pagtatapos ng vlog, sinabi ni Yen na dumaan siya sa masalimuot na introspection, at ngayon ay handa na siyang magsalita, humarap, at matuto.
“Right now, I'm at peace, and for me that's one of the most important things I have,” ani niya.
Si Yen Santos ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010, ngunit mas sumikat sa kanyang pagganap sa mga teleserye tulad ng Halik. Maliban sa kanyang acting skills, naging sentro rin siya ng atensyon dahil sa mga personal na kontrobersya, partikular sa kanyang relasyon kay Paolo Contis. Sa kabila nito, napanatili niya ang malaking fanbase, na ngayon ay mas lalong humanga sa kanyang pagiging tapat at matapang sa pagsasalita ng kanyang panig.
Natanong si Paolo Contis kamakailan tungkol sa muling pagpaparamdam ni Yen Santos sa showbiz at online platforms. Bagama’t maikli lang ang kanyang naging sagot, sinabi niyang wala raw siyang sama ng loob. Marami ang nag-abang sa kung paano niya tatanggapin ang pagbabalik ni Yen sa spotlight, lalo’t muli na namang binubuhay ang mga nakaraan nilang isyu.
Ibinahagi rin ni Yen ang kanyang personal health transformation, kung saan nakabawas siya ng 21 kilos. Ayon sa aktres, ang pagbabago sa kanyang pangangatawan ay resulta ng self-discipline at pag-prioritize sa sarili. Isa rin ito sa naging hakbang niya para mahanap muli ang kanyang peace of mind at confidence. Ipinakita niyang hindi lang emosyonal, kundi pisikal na pagbabago rin ang kanyang pinagdaanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh