Melai Cantiveros nang ma-meet ni Jason Francisco si Ivana Alawi: "Talagang confirm"
- Si Melai Cantiveros ay muling naghatid ng good vibes sa kanyang mga followers
- Kamakailan lang ay na-meet kasi nila ni Jason Francisco ang aktres na si Ivana Alawi
- Dahil dito, ibinahagi ni Melai sa Instagram na nakita na rin ni Jason ang kanyang crush
- Ngunit, ang caption ni Melai tungkol sa meeting ng dalawa ay talaga kinaaliwan ng fans
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Melai Cantiveros, isang Kapamilya actress at TV host, ay muling naghatid ng good vibes sa social media matapos niyang ibahagi ang ilang litrato sa kanyang official Instagram account.

Source: Instagram
Sa naturang post, makikita si Jason Francisco, ang asawa ni Melai, kasama ang social media darling na si Ivana Alawi. Base sa post ni Melai, tila nagkita sila sa isang promotional event para sa isang produkto, at dito na rin nagkatotoo ang matagal nang 'crush encounter' umano ni Jason.
Ang caption ni Melai ang tunay na bumida sa post at siyang naging dahilan ng tawanan sa comment section. Aniya Melai, sa wakas daw ay nakita na nga ni Papang ang kanyang crush at alam na niya ang umano'y tunay na dahilan kung bakit crush ni Jason ang YouTube star.
"Sa wakas, nakita na rin ni Papang ang kanyang crush na si Ivana @ivanaalawi and talagang confirm, kaya crush ni Papang si Ivana kasi kamukha ko si Ivana... sa panaginip ko. Hahaheheh, char lang, pinagselosan ko lang noon, kamukha ko na ngayon, char lang ulit. Thank you, Ivana, very gwapa and buutan. Vlog tayo soon pohon," aniya Melai sa kanyang now-viral Instagram post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maraming netizens naman ang talagang napa-react sa nakakatawang caption ng TV host:
"Grabe ang caption, tawang tawa ako."
"Kana! Hands in your pocket jud papang!"
"Wow, ka-swerte ni Ivana nga, naka-pic si Idol Melai."
"Ang supportive ni Momshie Melai! Nakakatuwa ah!"
"Habang binabasa ko, boses talaga ni Melai naririnig ko."
Bukod pa rito, nagpalitan din ng komento sina Ivana at Melai. Matapos mapansin ang post ng TV host, aniya Ivana, "Labyu!" na agad namang sinagot ni Melai ng, "Labyu too, Ivana, amping palagi."
Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Source: Instagram
Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis na nagulat si Melai Cantiveros sa dami ng taong pumunta sa mall para sa kanya. Kamakailan ay nag-tour kasi si Melai sa Dumaguete para sa Season 3 ng 'Kuan on One.' Dito ay nabigla talaga si Momshie Melai sa dami ng dumagsa sa kanyang mall tour. Aniya Melai, sana nga raw ay hindi na-discourage ang marami.
Samantalang nag-viral si Melai Cantiveros dahil sa kanyang post. Sa Instagram, ibinahagi ni Melai na kinailangan niyang pumunta sa Cebu para sa trabaho. Ngunit, imbis na eroplano ang kanyang mode of transpo, mas pinili ni Melai ang mag-barko. Aniya Melai, takot daw kasi siya talagang mag-eroplano, ngunit kailangan niyang mag-work pa rin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh