Gerard Pizarras, muling sinubok ng Bell’s Palsy matapos ang 21 taon

Gerard Pizarras, muling sinubok ng Bell’s Palsy matapos ang 21 taon

  • Muling tinamaan ng Bell’s Palsy ang aktor na si Gerard Pizarras makalipas ang 21 taon mula nang una niya itong naranasan
  • Ayon kay Jan Marini, agad na sumailalim sa iba’t ibang therapy si Gerard gaya ng acupuncture, chiropractic care, at hyperbaric treatment para sa mabilisang paggaling
  • Sa loob lamang ng 21 araw ay tuluyang naka-recover si Gerard, dahilan para purihin ni Jan ang Diyos at ang mga tumulong sa kanilang pribadong laban
  • Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga doktor, wellness centers, at mga kaibigan na nagpadala ng natural remedies at nagbigay ng suporta sa gitna ng pagsubok

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling hinarap ng aktor at direktor na si Gerard Pizarras ang hamon ng Bell’s Palsy—isang kondisyon na nagdudulot ng pansamantalang pagkaparalisa sa mga kalamnan ng mukha.

Gerard Pizarras, muling sinubok ng Bell’s Palsy matapos ang 21 taon
Gerard Pizarras, muling sinubok ng Bell’s Palsy matapos ang 21 taon (📷Jan Marini Alano/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng kanyang asawa na si Jan Marini, ito na ang pangalawang pagkakataon na dinanas ng aktor ang naturang kondisyon, ngunit sa pagkakataong ito, agaran ang kanyang paggaling—lamang sa loob ng 21 araw.

Sa kanyang post, taos-pusong pinasalamatan ni Jan ang iba’t ibang health professionals na tumulong sa treatment journey ni Gerard. Kabilang dito sina Drs. Bombit at Mae Sison ng Health and Harmony Acupuncture and Aesthetic Dermatology na gumamit ng “Bell’s Protocol” para sa therapy ng aktor. Malaki rin ang naging papel ng Doc Rob’s Chiropractic sa Quezon City na pinamumunuan nina Rob Walcher at Patricia Javier. Bukod dito, isinalang rin si Gerard sa infrared sauna at hyperbaric chamber sessions sa Rope Intervention Therapy Wellness Center.

For Gerard’s treatment and recovery, we wanna thank Drs Bombit and Mae Sison of Health and Harmony Acupuncture and Aesthetic Dermatology for the patience in treating Gerard through your Bell’s Protocol; Rob Walcher and Real Patricia Javier for the Doc Rob's Chiropractic in Quezon City chiropractic care, and Rope Intervention Therapy Wellness Center for the infrared sauna and hyperbaric chamber treatment.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bilang patunay ng pagiging hands-on at maalaga, inalala rin ni Jan ang suporta mula sa ilang piling kaibigan na nirerespeto ang kanilang kagustuhang panatilihin itong pribado. Isang “Ate Cathy” pa ang nagpadala ng natural remedies mula sa Amerika upang makatulong sa mabilis na paggaling ni Gerard.

Sa less than 10 people na sinabihan ko, thank you for understanding our desire to keep it private. Thank you kay Ate Cathy na nagpadala ng mga natural remedies all the way from the US.

Para sa mag-asawang Gerard at Jan, hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita nila ang tibay ng kanilang pagsasama sa harap ng mga pagsubok.

Si Gerard “Jeron” Pizarras ay isang beteranong aktor, direktor, at producer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Unang nakilala noong dekada 90 sa kanyang mga papel sa GMA-7 teleserye at pelikula, si Gerard ay naging tanyag sa husay niya sa pagganap ng mala-action at drama-driven na karakter.

Sa isang lumang ulat ng Kami.com.ph, makikita kung gaano ka-close ang pamilya ni Jan at Gerard. Isang feature noong 2017 ang nagbigay silip sa kanilang masayang tahanan at relasyon:

Sa isa pang artikulo, nagbahagi rin si Gerard ng isang throwback photo nila ni Jan noong sila ay mas bata pa, na nagpapatunay kung gaano nila pinangangalagaan ang kanilang relasyon sa kabila ng tagal at pagsubok.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate