Kyline Alcantara, nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa breakup nila ni Kobe Paras

Kyline Alcantara, nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa breakup nila ni Kobe Paras

  • Nagsalita na si Kyline Alcantara ukol sa hiwalayan nila ng basketball star na si Kobe Paras
  • Pinili niyang manahimik noon dahil sa respeto pa rin sa dating kasintahan
  • Tinawag niyang “beautiful experience” ang naging relasyon nila kahit nauwi ito sa hiwalayan
  • Nagpasalamat siya kay Barbie Forteza na naging malaking bahagi ng kanyang pagbangon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang ilang buwang pananahimik, nagsalita na rin si Kyline Alcantara tungkol sa kanyang naging breakup sa basketball player na si Kobe Paras. Sa kanyang panayam kay Boy Abunda, inilahad ng aktres ang kanyang dahilan kung bakit pinili niyang manahimik sa gitna ng mga ingay sa social media ukol sa kanilang paghihiwalay.

Kyline Alcantara, nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa breakup nila ni Kobe Paras
Kyline Alcantara, nagsalita na sa unang pagkakataon tungkol sa breakup nila ni Kobe Paras (📷@itskylinealcantara/Instagram)
Source: Instagram

Ayon kay Kyline, “Kaya hindi po ako nagsalita kasi I still have respect for him as a person, despite everything that happened.” Sa kabila ng sakit na dinanas, pinili niyang manatiling magpakumbaba at ipakita ang respeto.

Tinawag pa nga ni Kyline ang naging relasyon nila bilang isang “beautiful experience.” Ibinahagi niya ang mga masayang alaala at pagmamahal na naranasan, kahit pa magkaibang-magkaiba umano sila ni Kobe bilang mga tao. “I felt really happy. I felt really loved. It’s just that we’re two very different people, and that’s okay,” ani ng Kapuso star. Inamin din niyang may “bitterness at first,” pero ngayon ay mas payapa na ang kanyang puso.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa mga natutunan niya ukol sa pagmamahalan, ipinunto rin ni Kyline ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili. Ayon sa kanya, dalawang mahahalagang aral ang nakuha niya mula sa relasyon: ang pagtatakda ng boundaries at ang pagkakaroon ng self-respect. Isa ito sa mga naging batayan niya upang tuluyang makabangon at kilalanin ang sarili sa bagong pananaw.

Isa sa mga naging matibay niyang sandigan sa proseso ng paghilom ay ang kanyang malapit na kaibigan na si Barbie Forteza. Sa panayam din, ikinuwento ni Kyline kung paano siya tinulungan ni Barbie na buuing muli ang kanyang kumpiyansa. “She just [brought] my confidence back. She made me realize na ‘ikaw muna mare,’” kwento ni Kyline. Ikinuwento rin niya ang isang pagkakataon kung saan kusa siyang dinalaw ni Barbie sa bahay kahit hindi ito tinawagan — “Wala akong pakialam, gusto lang kita makitang kumain, pupunta ako diyan, usap tayo,” ani ni Barbie, ayon kay Kyline.

Matatandaang noong Abril, sa isang pahayag ng GMA Sparkle Artist Center, sinabi ni Kyline na nais na lamang niyang “move on” mula sa isyu ng kanilang breakup. Pinili niyang panatilihin ang kanyang kapayapaan at igalang ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay, kabilang na si Kobe Paras. “She has chosen to keep her peace and maintain the respect for the people who have been part of her life,” ani sa opisyal na pahayag ng kanyang management.

Si Kyline Alcantara ay isa sa mga kilalang Kapuso actresses na lumaki sa harap ng kamera. Kilala siya sa mga teleserye tulad ng Kambal, Karibal, at Luv Is: Caught in His Arms. Bukod sa kanyang pagiging aktres, nakilala rin siya sa social media at naging inspirasyon ng marami dahil sa kanyang maturity sa pagharap sa mga personal na isyu. Sa kanyang panibagong yugto, muling pinatunayan ni Kyline na kahit sa gitna ng kabiguan, may pag-asang makabangon.

Samantala, tampok rin sa Kyline Alcantara reveals crucial role Barbie Forteza played in coping with Kobe Paras breakup, kung paanong naging inspirasyon at emotional support si Barbie sa kanya. Mula sa simpleng pakikisalamuha hanggang sa aktibong pagbisita sa bahay, ipinamalas ni Barbie ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Isang halimbawa ito ng sisterhood sa showbiz na hindi lang sa harap ng kamera totoo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: