Sagot ni Sue Ramirez sa "san tayo punta" ni Dominic Roque, nagpakilig sa marami

Sagot ni Sue Ramirez sa "san tayo punta" ni Dominic Roque, nagpakilig sa marami

  • Si Sue Ramirez ay muling nagpakilig ng mga netizens sa social media
  • Kamakailan ay finlex kasi ni Dominic Roque ang kanilang road trip
  • Sa nasabing post, tinanong ni Dominic si Sue kung saan sila papunta
  • Ang naging sagot naman ng aktres sa comments ay kinakiligan ng marami

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Sue Ramirez, isa sa mga kilalang aktres sa Pinas, ay muling pinakilig ang maraming netizens matapos niyang magbigay ng matamis na sagot sa bagong Instagram post ni Dominic Roque.

Noong Saturday, July 12, nagbahagi si Dominic ng isang reel kung saan makikitang nakasakay sila ni Sue sa motorsiklo — isang simple ngunit nakakakilig na sandali para sa kanilang fans.

Sagot ni Sue Ramirez sa "san tayo punta" ni Dominic Roque, nagpakilig sa marami
Photos: @dominicroque, @sueannadoodles on Instagram
Source: Instagram

Sa caption ng reel, tinag ni Dominic ang kanyang girlfriend at nagtanong, "San tayo punta?" Hindi naman nagpahuli si Sue at agad na nagkomento ng, "Hanggang maubos natin lahat ng kalsada."

Dahil dito, maraming netizens ang talaga namang napasabi ng "sana all" sa comment section.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod dito, ibinahagi rin ni Sue sa kanyang opisyal na Instagram page na @sueannadoodles ang ilang mga larawan at video mula sa kanilang masayang road trip na talagang nag-viral online.

Sagot ni Sue Ramirez sa "san tayo punta" ni Dominic Roque, nagpakilig sa marami
Screenshot mula sa Instagram ni @dominicroque
Source: Instagram

Base sa mga post ni Sue at pati na rin sa kanyang geotag, tila nagpunta ang couple sa Baguio, kung saan sila ay kumain ng masasarap na pagkain at nag-enjoy sa piling ng isa't isa.

Sa comment section ng parehong post, maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang suporta at good vibes para kina Sue at Dominic. Ang ilan ay nagsabing bagay na bagay talaga ang dalawa, habang ang ibang netizens nama'y umaasang 'road to forever' na nga ang relasyon ng dalawa.

"Basta ako, ito na ang forever love team ko," aniya pa nga ng isang netizen sa comment section.

Swipe left para makita ang iba pang pictures at videos:

Si Sue Ramirez ay isang kilalang Filipina actress at singer. Pumasok siya sa showbiz noong 2010 nang masali siya sa Star Magic, at agad naman na nagtamo ng mga supporting roles sa palabas gaya ng Mula sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, at Dolce Amore. Sa paglipas ng panahon, naging lead actress si Sue at umangat sa local show business. Naging pangunahing kontrabida pa nga si Sue sa The Broken Marriage Vow kung saan nakatanggap siya ng labis na papuri mula sa mga viewers dahil sa kanyang nakakabilib at mahusay na pagganap bilang si Lexy Lucero.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral kamakailan lang ang aktres na si Sue Ramirez dahil sa kanyang posts. Sa Threads, ibinunyag ni Sue ang mga "habits" na kanya nang binitawan na for good. Aniya pa nga ng aktres, akala niya noon ay mahihirapan siyang tanggalin ang mga ito. Gayunpaman, nagawa niya ito, at marami ang talagang bumilib sa kanyang determinasyon.

Samantalang sa isang panayam, kinumpirma ni Sue Ramirez na sila ni Dominic Roque ay bukas na pinag-uusapan ang kanilang mga nakaraang relasyon bilang isang mahalagang aspeto ng kanilang samahan. Binanggit ng aktres na ang pagtalakay sa mga nakaraan at mga "trauma" ay nakatutulong upang mas lalong magkaunawaan at lumalim ang kanilang koneksyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco