Pagkasa nina Marian Rivera at Zia sa 'Bugatti' trend, patok sa mga netizens
- Si Marian Rivera ay muling nagdala ng tuwa at saya sa kanyang mga fans
- Kamakailan lang ay nag-post si Marian ng panibagong video sa TikTok
- Makikitang kumasa siya at si Zia Dantes sa sikat at viral na 'Bugatti' trend
- Ngunit nang siya na ang dapat kumasa sa trend, may nakaaliw na nangyari
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Marian Rivera, isa sa mga pinakasikat na artista ng Kapuso network, ay muling nagdala ng tuwa sa kanyang mga fans at followers matapos niyang makisali sa viral na 'Bugatti' trend sa TikTok — kasama pa nga mismo ang kanyang panganay na anak na si Maria Letizia Dantes.

Source: TikTok
Maraming netizens ang natuwa sa mother-and-daughter moment na ipinakita nila online.
Sa nasabing TikTok clip, makikitang nakaupo si Zia sa sahig, umaarteng nasa loob siya ng isang kotse, bago siya hinila palayo sa camera. Pero ang pinakanakakatuwang bahagi ay nang si Marian na ang sumabak sa trend dahil nahirapan si Zia na hilahin ang kanyang mommy.
Sa gitna ng kanilang kulitan, maririnig si Marian na sinabihan si Zia ng, "Come on, love, you can do it," habang natatawa. Sa huli, napabitaw na si Zia at natawa na lamang si Marian sa sitwasyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umani naman ng papuri ang video sa comment section, kung saan maraming netizens ang naaliw at natuwa sa dalawa. Ilan lamang sa mga komento sa TikTok post na ito ni Marian ay:
"Ang laki na ni Z! Cutie cutie nila!"
"Ilang beses ko na 'to pinanood. Ang cute!"
"Grabe ang face card ni Zia, very Olivia Rodrigo."
"Eh yung nahiya ang pagkatao ko sa paa ni Marian."
"Ang cutie! Parang magkapatid lang kayong dalawa!"
Patunay lamang ito na hindi lang talentado at magaling si Marian sa kanyang propesyon, kundi isa rin siyang hands-on at masayahing ina na kayang sabayan ang mga trends sa social media.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Marian Rivera ay isang kilalang Filipina–Spanish na aktres at modelo na under ng GMA Network. Umunlad ang kanyang career mula sa pagiging commercial model noong 2005 hanggang sa sumikat siya bilang bida sa remake ng seryeng Marimar. Mula noon, nakilala siya sa iba pang hit series tulad ng Dyesebel, Darna, Amaya, at Temptation of Wife. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kilala si Marian bilang isang award-winning talent. Samantalang sa personal niyang buhay, kasal siya kay Dingdong Dantes, at sila ay may dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagdiwang ni Marian Rivera ang anniversary ng pagganap niya bilang Marimar. Sa isang taos-pusong post, ibinahagi ni Marian ang isang video na nagpapakita ng kanyang reaksyon matapos matanggap ang sulat mula sa GMA Network tungkol sa serye. Kalakip ng video, binalikan ng aktres ang milestone na ito sa kanyang karera.
Samantalang noong April ay ibinahagi ni Marian Rivera ang sarili niyang bersyon ng 'Jennie' dance trend sa TikTok, at humanga talaga ang mga fans niya sa galing ng kanyang galaw. Ang video ay naging viral at pumalo ng 9.3 milyong views sa nasabing app. Isang netizen ang nagtanggol kay Marian laban sa mga bashers ng aktres na napansin naman mismo ni Marian.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh