Dina Bonnevie: "'Yung mga artista ngayon, bata pa lang retokada na"

Dina Bonnevie: "'Yung mga artista ngayon, bata pa lang retokada na"

  • Nagbigay komento ang batikang aktres na si Dina Bonnevie ukol sa mga kabataang artista ngayon
  • Aniya tila nagkakamukha na ang karamihan sa mga ito at minsa'y hirap pa siyang kilalanin sila
  • Noon umanong panahon nila, may kanya-kanyang angking kagandahan ang mga kasabayang artista
  • Si Dina ay aktibo pa rin sa showbiz at kasalukuyan naring mapapanood sa kanyang YouTube channel

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Binigyang komento ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang pag-usbong ng mga artista ngayon kung saan mula sa isang viral na panayam, binanggit niya ang pagkakapareho ng kanilang mga mukha:

Dina Bonnevie (Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)
Dina Bonnevie (Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)
Source: Instagram

“Kaya minsan 'pag tiningnan mo, pare-pareho na 'yung mukha nila… Parang iisa lang ba ang doctor nito? Nakakalito. Magkamukha nga sila.”

Sa nasabing panayam kay Dina na ibinahagi ng Cinema Bravo, nabanggit pa nitong tila pareho na ang hulmang mukha ng mga kabataang artista.

“You’ll be surprised… pare‑pareho sila ng cheekbones, pare‑pareho sila ng ilong, pare‑pareho ng chin augmentation,” dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Giit ni Bonnevie, maraming kabataang artista ngayon ang sumasailalim sa cosmetic procedures, na nagpapantay-pantay sa kanilang pisikal na itsura. Ayon sa kanya:

“Eh, ngayon, kahit ubod ka ng 'shongs,' puwede ka na.”
“Bakit noong panahon namin… eh, ngayon, kahit ubod ka ng shongs, pwede ka na.”

Aniya, hindi siya sumailalim ng anumang cosmetic enhancement sa kanyang mukha, at payak na ibinahagi:

“Tingnan mo 'yung before and after ko, 'yun pa rin.”

Bukod sa kontrobersyal na pahayag, gumagawa pa rin ingay ang kanyang pangalan sa pagiging aktibo pa rin ni Dina sa showbiz industry. Katunayan, ipinalabas na ang kanyang bagong online show na “House of D”, na unang suma-ere noong July 11, 2025 sa YouTube at mapapanood tuwing Biyernes, alas-5 ng hapon.

Tampok dito ang mga seryosong diskusyon, humor, emosyonal na kwento, at aral tungkol sa pamilya at buhay .

Sa programa kasama niya sina Oyo, Danica, Kristine Hermosa, at Marc Pingris—pinag-uusapan ang kani-kanilang mga karanasan at personal na kwento.

Layunin nitong magbigay ng inspirasyon at maatim na pagninilay sa mga manonood, sa kabila ng pagiging isang ‘nonsense show’.

Ayon sa aktres, handa siyang i-share ang mga downs sa buhay pati na ang epekto nito sa kanyang mga anak—at sinigurado niyang “the core is always family.”

Sa unang episode, naitala ang 1.9 milyong views—bagama’t aminado rin si Dina na kinakabahan sa pagtanggap ng netizens

Geraldyn “Dina” Schaer Bonnevie (ipinanganak noong Enero 27, 1962 sa Quezon City) ay isa sa pinakakilalang aktres sa Pilipinas, na kinikilala bilang “Drama Queen” ng kanyang henerasyon . Pumasok siya sa showbiz matapos maging first runner-up sa Miss Magnolia pageant noong 1979. Tatlong beses nag-asawa: kay Vic Sotto (1982–1992), kay Ricardo Penson (1996–1999), at kay Deogracias Victor “DV” Savellano (2012–2025) May dalawang anak kasama si Vic: sina Danica Sotto (1982) at Oyo Boy Sotto (1984).

Matatandaang, naging kontrobersyal ang interview kay Miss Dina Bonnevie ng 'King of Talk' na si Boy Abunda. Doon, nabanggit niyang si Alex Gonzaga ang dating hindi napangalanang aktres na kanyang nakompronta sa set dahil sa pagigi umanong late.

Sa naturang interview, mas naidetalye ni "Miss D" ang umano'y insidente kung saan nagawa niyang makompronta noon si Alex. Gayunpaman, nilinaw niyang maayos ang kinahinatnan ng naturang pag-uusap na maging siya ay naiyak din matapos maibulalas ang saloobin kay Alex Gonzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: