Dina Bonnevie nilinaw ang viral na komento ukol sa mga artistang magkamukha

Dina Bonnevie nilinaw ang viral na komento ukol sa mga artistang magkamukha

  • Dina Bonnevie ay nagsalita na tungkol sa isyung iniuugnay ang kanyang “pareho-pareho ang mukha” na komento kina Jane de Leon at Alexa Miro, matapos mag-viral ang larawan ng dalawang aktres sa social media
  • Nilinaw ng beteranang aktres na hindi niya personal na kilala sina Jane at Alexa, at hindi rin daw sila ang kanyang tinutukoy nang ibahagi niya ang obserbasyon ukol sa ilang young celebrities
  • Ibinahagi rin ni Dina ang karanasan kung saan akala niya ay iisa lang ang artista na nakita niya, ngunit kinorek siya ng kanyang PA na magkaibang tao pala ang mga iyon
  • Giit ni Dina, hindi siya nagbanggit ng kahit anong pangalan at ang mga netizen lamang ang nag-ugnay sa kanyang komento sa mga larawan nina Jane de Leon at Alexa Miro

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Usap-usapan online kamakailan ang komento ni Dina Bonnevie tungkol sa mga artista ngayon na tila “pareho-pareho ang mukha.” Marami ang napa-react lalo na’t isang larawan nina Jane de Leon at Alexa Miro ang lumutang online, na sinang-ayunan ng ilang netizens na tila magkahawig nga umano. Dahil dito, iniuugnay ng publiko ang viral statement ng beteranang aktres sa dalawang batang artista.

Dina Bonnevie nilinaw ang viral na komento ukol sa mga artistang magkamukha
Dina Bonnevie nilinaw ang viral na komento ukol sa mga artistang magkamukha (📷: @gorgeous_ms.dina / Instagram)
Source: Instagram

Ngunit sa panibagong panayam na nai-post sa YouTube channel ni entertainment reporter Dondon Sermino, nilinaw ni Dina ang tunay niyang punto. Ayon sa kanya, “Actually, may isa pang pair na parehong-pareho ang mukha nila na napagkamalan ko rin na siya yung bida nito tapos sabi ko hindi siya yung isa.” Ikinuwento pa ni Dina na may pagkakataong akala niya ay iisang aktres lang ang kanyang nakita, ngunit itinama ito ng kanyang PA—na dalawang magkaibang tao pala iyon.

Giit ni Dina, hindi niya pa nakikilala nang personal sina Jane de Leon at Alexa Miro at wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang orihinal na pahayag. “Hindi ko sila kilala,” sabi niya. Dagdag pa niya, ang sinabi niyang komento ay para sa ibang pares ng artista na sa kanyang tingin ay sobrang magkamukha, marahil dahil sa iisang makeup artist o doktor, kaya nagkaroon ng pagkakahawig.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Dina Bonnevie ay isa sa mga pinakarespetadong beteranang aktres sa showbiz industry. Kilala siya hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati sa kanyang pagiging prangka at diretso kung magsalita. Sa mahigit apat na dekada sa industriya, naging bahagi siya ng maraming de-kalibreng pelikula at teleserye, at ngayon ay madalas na kinukuhanan ng opinyon sa mga usapin sa showbiz. Dahil sa kanyang pagiging totoo, marami ang either natutuwa o natatamaan sa kanyang mga sinasabi.

Sa gitna ng kanyang pagiging prangka sa showbiz issues, pinatunayan ni Dina Bonnevie na malambot pa rin ang kanyang puso para sa pamilya. Sa isang post, ibinahagi niya ang ilang litrato mula sa celebration ng Mother’s Day kasama ang kanyang anak at mga apo. Maraming netizens ang na-touch sa kanyang pagiging hands-on lola.

Sa isa pang panayam, naging emosyonal si Dina habang inaalala ang kanyang yumaong asawa na si DV Savellano. Ayon sa aktres, labis pa rin niyang hinahanap ang presensya nito lalo na sa mga tahimik na gabi. Marami ang naka-relate sa kanyang pahayag, at muling nakita ng publiko ang kanyang pagiging totoo at matatag sa kabila ng lungkot.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate