Francine Diaz, nagpakilig dahil sa kanyang birthday post kay Seth Fedelin
- Si Francine Diaz ay muling nagpakilig ng ilang mga netizens sa social media
- Noong Wednesday, July 9, ibinahagi ni Francine ang greeting niya kay Seth Fedelin
- Aniya Francine, labis daw ang kanyang pagka-proud kay Seth at sa naging growth nito
- Ibinahagi pa nga ng aktres na maswerte siya dahil parte si Seth ng kanyang buhay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Francine Diaz, isa sa mga sikat na Kapamilya stars, ay muling pinakilig ang mga netizens online matapos niyang mag-post ng isang sweet na birthday greeting para kay Seth Fedelin.

Source: Instagram
Noong Wednesday, July 9, ibinahagi ni Francine sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan nila ni Seth mula sa kanilang mga iba't ibang travels. Agad na napansin ng kanilang fans kung gaano kalapit at kasaya ang samahan ng dalawa, na siyang nagdulot ng maraming kilig online.
"Happy birthday, yancy! I won't put too much in this post, but I'm just so happy to see you turn 23," panimula ni Francine sa kanyang caption. Sa kanyang napaka-sweet na mensahe, ipinaabot niya ang kanyang labis na pagmamalaki kay Seth dahil sa malaking growth nito sa kanyang buhay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I'm so proud of who you are and the man you're becoming. I hope that as you make your way in this life, people will see how pure and good your heart is. I know hindi ka naniniwala minsan whenever I say that you're good — in everything that you do — but I hope that kahit ngayon lang, you'll believe not just me, but everyone who says na mabuti ka," aniya Francine kay Seth online.
Hindi rin napigilan ni Francine ang magpasalamat sa presence ni Seth sa kanyang buhay. "You deserve every beautiful thing this world can give. Thank you for the smiles and laughs you always give us, for leaving a little light in our lives whenever you get the chance. I'm blessed to have you, best friend. I hope that life will be good to you as you are to the world," ani ng aktres.
Agad namang umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang post na ito. Marami ang natuwa at kinilig sa lalim ng pagkakaibigan ng dalawa na kanilang nakita noon pa man.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Francine Diaz ay isang kilalang aktres sa Pilipinas. Sumikat si Francine matapos gumanap bilang Cassandra 'Cassie' Mondragon sa top-rated na seryeng Kadenang Ginto, kung saan nakilala ang tinaguriang "Gold Squad" kasama sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Seth Fedelin. Mula doon, marami na siyang naiambag sa telebisyon tulad ng Huwag Kang Mangamba at Dirty Linen, gayundin ang paglabas sa pelikula at endorsements. Bukod sa pag-arte, siya rin ay isang matagumpay na YouTuber at social media influencer na may milyong subscribers sa app.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2024 ay nagluksa si Francine Diaz sa pagpanaw ni Liam Payne. Pumanaw ang miyembro ng dating boy band na One Direction noong matapos mahulog mula sa isang hotel sa Argentina. Sa Instagram page niya, ibinahagi ni Francine ang isang social media card tungkol sa balita.
Samantalang, noong 2024 din ay matagumpay na nagtapos ng Senior High School sa Southville International School si Francine Diaz. Proud na ibinahagi ng Star Magic ang milestone ni Francine sa kanilang social media pages. Nagpakita ng suporta at paghanga ang mga fans at netizens sa comment section.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh