Daniel Padilla, may pa-adlib habang kinakanta ang 'Hanggang Kailan'
- Nagkaroon ng thanksgiving party ang cast ng seryeng Incognito sa Noctos Music Bar, Quezon City kung saan bumida sa kantahan si Daniel Padilla kasama ang iba pang artista
- Kinilig at natuwa ang fans nang marinig ang mas emosyonal at malalim na boses ni Daniel habang kinakanta ang mga OPM hits gaya ng “Ako’y Sa Iyo, Ika’y Sa Akin” at “Hanggang Kailan”
- Nag-viral ang adlib ni Daniel sa kantang Hanggang Kailan kung saan binanggit niya ang salitang “congrats” matapos ang linyang “mahulog ang loob mo sa iba,” na nagdulot ng intriga at kilig sa netizens
- Humataw din sa stage sina Ian Veneracion, Maris Racal, Baron Geisler, Anthony Jennings, at Kaila Estrada habang hinahanap ng fans si Richard Gutierrez na hindi nakadalo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagmistulang concert ang thanksgiving party ng seryeng Incognito na ginanap nitong Lunes ng gabi sa Noctos Music Bar, Quezon City. Puno ng tawanan, kantahan, at pasasalamat ang gabi na dinaluhan ng halos lahat ng cast at production team ng serye. Ang mga netizens at fans, lalo na ng aktor na si Daniel Padilla, ay abot-langit ang kilig matapos mapanood ang mga nag-viral na video mula sa masayang pagtitipon.

Source: Instagram
Isa sa mga pinakapinag-usapan ay ang performance ni Daniel Padilla na mas gumanda raw ang boses ngayon—mas may hugot, emosyon, at dating. Kinanta niya ang “Ako’y Sa Iyo, Ika’y Sa Akin” ng I-Axe Band, at ang OPM anthem ng kanyang fans na “Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby)” ng Orange and Lemons. Sa huling kanta, lalo siyang pinansin dahil sa kanyang adlib: “Hindi mapigilang… na baka sa tagal mahulog ang loob mo sa iba…. congrats.”
Agad itong pinagdiskusyunan sa social media, at tanong ng fans: “Para kanino ang ‘congrats,’ Deej?” May mga nagsabi na baka ito ay patama, pa-kilig, o simpleng joke lang, pero siguradong pasabog ito sa puso ng mga nakikinig.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagbigay din ng show-stopping performances sina Ian Veneracion—na mistulang nagsasanay na sila ni Daniel para sa nalalapit nilang Detour US Concert Tour ngayong Setyembre—at iba pang co-stars gaya nina Maris Racal, Anthony Jennings, Baron Geisler, at Kaila Estrada. Sayang lang at hindi nakarating si Richard Gutierrez, na tiyak sana'y bibigyang-sigla pa lalo ang gabi.
Hindi lang on-stage ang sayang ibinahagi ng cast, kundi maging online, dahil hanggang trending ang videos ng event. Komento ng mga fans, ayaw pa nilang isipin na patapos na ang Incognito, isang seryeng hindi bumitaw sa ratings at may matibay na online following. Umaasa ang marami na magkaroon ito ng part 2 dahil grabe raw ang impact nito sa kanila.
Si Daniel Padilla ay kilalang heartthrob at isa sa pinaka-bankable actors ng kanyang henerasyon. Sa Incognito, muling pinatunayan ng aktor ang kanyang lalim bilang performer, at sa mga events gaya ng thanksgiving party, ipinakita niya ang kanyang musical roots at charisma. Ang serye ay isa sa mga patunay na kahit lampas isang dekada na sa industriya, hindi pa rin humuhupa ang suporta para sa kanya.
Sa kanyang ika-30 kaarawan, pinili ni Daniel ang makabuluhang selebrasyon sa pamamagitan ng tree planting activity. Isa raw itong hakbang ng aktor para magpakita ng malasakit sa kalikasan. Isa na namang patunay ng kanyang maturity at sense of responsibility bilang public figure.
Matapang na hinarap ni Daniel ang mga isyung nag-uugnay sa kanya sa iba't ibang babae matapos ang kanyang breakup. Sa panayam, nilinaw niyang hindi totoo ang mga bali-balitang may bagong inspirasyon siya. Ipinakita niya ang pagiging direct at respectful sa mga ganitong isyu.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh