'Mission accomplished!' Eula Valdes ipinagmalaki ang 1-mile swim sa PAF training

'Mission accomplished!' Eula Valdes ipinagmalaki ang 1-mile swim sa PAF training

  • Proud na nagtapos si Eula Valdes sa Search and Rescue Auxiliary Training ng Philippine Air Force
  • Isa sa mga highlight ng training ay ang matagumpay niyang paglangoy ng isang milya
  • Ibinahagi niya sa Instagram ang ilang eksena ng physical training na puno ng disiplina at determinasyon
  • Matatandaang nagtapos rin siya sa Basic Citizen Military Training noong nakaraang taon

Hindi lang sa harap ng kamera matatag si Eula Valdes, kundi pati na rin sa totoong buhay. Sa edad na 55, pinatunayan ng batikang aktres na wala sa edad ang pagiging matapang at pursigido matapos niyang matagumpay na makapagtapos sa Search and Rescue Auxiliary Training (SARAT) ng Philippine Air Force. Isa siya sa mga miyembro ng SAMBISIG CLASS 2025, kung saan nagpakitang-gilas siya sa serye ng pisikal at mental na pagsubok, kabilang ang one-mile swim na kanyang buong tapang na tinapos.

'Mission accomplished!' Eula Valdes ipinagmalaki ang 1-mile swim sa PAF training
'Mission accomplished!' Eula Valdes ipinagmalaki ang 1-mile swim sa PAF training (📷Eula Valdez/Facebook)
Source: Facebook

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, masayang ibinahagi ni Eula ang mga litrato at video mula sa training. Makikita sa mga larawan ang kanyang dedikasyon sa mahihirap na strength exercises, pati na rin ang mga swimming drills na bahagi ng kanilang paghahanda bilang reservist. Ayon sa kanyang caption, "Mission accomplished, 1 Mile Swim. SAMBISIG CLASS 2025." Dagdag pa niya, "Search and Rescue Auxiliary Training. Thank you, 505th Search and Rescue Group."

Mula pa noong Hunyo nagsimula ang training na ito, at mas lalo pa itong nagpapakita ng commitment ni Eula sa kanyang pagiging military reservist. Hindi ito ang unang beses na sumabak siya sa ganitong klaseng disiplina. Noong Hunyo 2023, nagtapos rin si Eula sa Basic Citizen Military Training (BCMT) ng Air Force Reserve Command, na siyang unang hakbang ng mga nais maging bahagi ng reservist forces ng bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa mga military activities, tuloy pa rin ang kanyang karera bilang artista. Sa kasalukuyan, isa si Eula sa mga pangunahing karakter sa drama series ng TV5 na “Totoy Bato.” Tila kayang-kaya niyang pagsabayin ang dalawang mundo—ang mundo ng showbiz at ang mundo ng serbisyo publiko.

Si Eula Valdes ay isa sa mga pinakarespetadong aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Sa loob ng higit tatlong dekada sa showbiz, napatunayan niya ang kanyang versatility sa pagganap sa mga drama, fantasy, at action roles. Ngunit higit sa kanyang talento sa pag-arte, hinahangaan siya ngayon sa kanyang determinasyon na magsilbi sa bayan bilang isang reservist ng Philippine Air Force.

Sa isang nakakaaliw na panayam, ibinahagi ni Eula Valdes na madalas mapagkamalang boyfriend niya ang anak na si Miguel dahil sa closeness nila. Ayon sa kanya, nakakatuwa pero minsan nakakahiya rin ang mga ganitong pagkakataon lalo na kapag nasa pampublikong lugar sila. Marami ang humanga sa youthful appearance ni Eula at sa bonding nilang mag-ina.

Nagbigay-pugay si Eula sa mga delivery riders matapos niyang maranasan mismo ang hirap ng pagmamaneho ng motorsiklo sa kalsada. Ayon sa kanya, hindi biro ang trabaho ng mga rider at mas naliwanagan siya sa mga sakripisyong pinagdadaanan ng mga ito araw-araw. Umani ng papuri ang kanyang post at lalong minahal siya ng netizens sa pagpapakita ng empatiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: