Palitan nina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna sa post ng huli, viral: "Dear Ellen, Che!"
- Si Ellen Adarna at Beauty Gonzalez ay nagkaroon nito lamang ng nakakaaliw na palitan
- Kamakailan ay nag-post kasi si Ellen ng mga pictures mula sa kanyang beach vacation
- Pumunta kasi sila ng kanyang pamilya sa isang bonggang resort sa El Nido, Palawan
- Dahil dito ay napa-comment tuloy si Beauty na agad namang napansin ni Ellen online
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Ellen Adarna, isang kilalang celebrity mom, ay muling pinasaya ang mga netizens sa social media matapos makipagpalitan ng nakakatuwang komento sa matalik niyang kaibigang si Beauty Gonzalez sa isang post tungkol sa kanyang vacation sa El Nido, Palawan ngayong taon.

Source: Instagram
Noong Saturday, July 5, ibinahagi ni Ellen sa Instagram ang ilang litrato mula sa kanilang masayang bakasyon kasama ang asawang si Derek Ramsay at ang kanilang mga anak.
Sa kanilang espesyal na trip, tumuloy ang pamilya Ramsay sa ANGKLA Beach Club & Boutique Resort — isang lugar na labis na hinangaan at pinuri ni Ellen sa kanyang now-viral post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Dear @angkla_elnido, thank you for such a memorable stay! My friends & family had the best time — amazing food, the warmest and friendliest staff, and just good vibes all around. We're already looking forward to coming back next year!" ani ni Ellen sa caption. Hindi rin nakalimot ang aktres na biruin ang mga netizen tungkol sa masarap na cake ng resort: "To those who are there or planning to go: don't go home without trying their chocolate cake. You've been warned."
Ngunit ang mas lalong nagpa-viral sa post ay ang nakakatuwang komento ni Beauty Gonzalez na tila may nasabi sa hindi pag-imbita sa kanya: "Dear Ellen, Che! Not inviting!" Agad naman itong sinagot ni Ellen, at biniro pa nga ang aktres: "Mas daghan ka bakasyon — ikaw ang not inviting! Che! Hahaha!" Marami ang natuwa sa kanilang biruan, na nagpakita ng kanilang closeness.
Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Source: Instagram
Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naantig ang damdamin ng mga netizen dahil kay Ellen Adarna. Kamakailan, nag-post si Ellen sa Instagram upang batiin ang kanyang anak na si Elias Modesto ng maligayang kaarawan. Sa kanyang post, ibinahagi ng celebrity mom ang ilang litrato ni Elias na hindi pa kailanman naipapakita sa publiko, na talaga namang ikinatuwa ng maraming fans.
Samantalang noong May ay labis na naluha at nadala sa emosyon si Ellen Adarna. Nagbahagi kasi siya ng isang video kung saan karga niya si Elias Modesto bago ito matulog. Ngunit matapos nito, may itinanong si Elias na halatang ikinagulat at ikinaantig ng damdamin ng kanyang ina. Dahil dito, maraming netizen ang nadala sa emosyon matapos mabasa ang kanilang pag-uusap.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh