Karapatan ng mga pamilya ang hustisya—pahayag ng kampo ni Gretchen Barretto
- Mariing itinanggi ng dating aktres na si Gretchen Barretto ang anumang pagkakasangkot niya sa kaso ng mga nawawalang sabungero matapos siyang maisangkot ng isang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy"
- Ayon sa opisyal na pahayag ng kanyang abogado, si Atty. Alma Mallonga, sinabi ni Barretto na siya ay naging biktima umano ng tangkang pangingikil kung saan inalok siya na huwag isama ang kanyang pangalan sa kaso kapalit ng pera
- Iginiit ng kampo ni Barretto na handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad at suportahan ang isang masusing at patas na imbestigasyon na nakabase lamang sa ebidensya at totoong impormasyon
- Naniniwala si Barretto na mahalagang malaman ng mga pamilya ng nawawalang sabungero ang buong katotohanan at mabigyan sila ng katarungan, dahil karapatan umano ng bawat Pilipino
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mariing itinanggi ni Gretchen Barretto, dating aktres at kilalang personalidad, ang anumang pagkakasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa opisyal na pahayag na inilabas ng kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga, binigyang-diin ni Barretto na siya ay inosente at biktima umano ng tangkang pangingikil.

Source: Facebook
Ayon sa pahayag, may nag-alok umano na huwag isama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga pinaghihinalaan kung siya ay magbabayad ng halaga. Tinanggihan niya ito sapagkat, aniya, wala siyang kasalanan at wala siyang dapat ikatakot.
Nanindigan si Barretto na handa siyang makipagtulungan sa imbestigasyon at umaasa siyang ang mga otoridad ay magsasagawa ng masusing pagsusuri batay lamang sa ebidensya. Ipinahayag rin niya ang kanyang paninindigan na mahalaga ang katotohanan para sa mga pamilya ng mga nawawala.
“Ms. Barretto understands the importance of resolving the case. The sabungeros and their families deserve to know the truth, and they deserve closure because their lives matter,” bahagi ng kanyang opisyal na pahayag.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Lumabas ang pangalan ni Barretto sa isyu matapos ang rebelasyon ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas “Totoy,” na nagsabing madalas makita si Barretto na kasama ni Charlie “Atong” Ang—ang itinuturong utak umano sa pagkawala ng mga sabungero. Hindi man direktang tinukoy bilang "alpha female," ikinokonekta ng testigo ang aktres sa grupo.
Sa kabila nito, itinanggi rin ni Ang ang mga paratang at iginiit na ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa isyu ng pera. Aniya, sinubukan umano silang kikilan nina Patidongan at dating empleyado niyang si Alan Batiles ng P300 milyon.
“Ang puno’t dulo nito, pera. Lahat ng grupo namin tinatawagan nila, eh,” pahayag ni Ang sa isang press conference.
Samantala, naghain na si Ang ng mga kaso laban kina Patidongan at Batiles sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office, base sa probisyon ng Revised Penal Code.
Si Gretchen Barretto ay dating aktres na kilala hindi lamang sa kanyang mga papel sa pelikula at telebisyon, kundi pati na rin sa kanyang pagiging bahagi ng tanyag na Barretto clan. Bagama’t matagal nang hindi aktibo sa showbiz, nananatili siyang tampok sa publiko dahil sa kanyang koneksyon sa mga prominenteng personalidad at isyung pampulitika o panlipunan.
Inilahad ni Julie “Dondon” Patidongan na may P50 milyon patong na sa kanyang ulo matapos pangalanan ang mga umano’y sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Aniya, patuloy siyang nananawagan para sa proteksyon sa kabila ng banta sa kanyang buhay.
Sa pamamagitan ni Atty. Alma Mallonga, nilinaw ni Gretchen Barretto ang kanyang panig sa kontrobersiyang kinasasangkutan. Mariin niyang pinabulaanan ang mga akusasyon at iginiit ang pagiging inosente. Nakahanda rin siyang makipagtulungan sa imbestigasyon upang makamit ang hustisya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh