Cristine Reyes, ibinida ang ilang tagpo sa pagsali ni Amarah sa Prime Gymnastics sa Singapore
- Si Cristine Reyes ay one proud momma dahil sa accomplishment ng kanyang anak
- Kamakailan lang ay lumipad sila patungong Singapore para sa isang sports event
- Ito ay ang Prime Gymnastics Invitational 2025, kung saan kabilang si Amarah
- Sa Instagram, ibinida ni Cristine ang stellar performance ni Amarah mula sa event
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Cristine Reyes ay one proud momma matapos makita ang kanyang anak na si Amarah na mag-perform sa katatapos lamang na Prime Gymnastics Invitational 2025 na ginanap sa Singapore.
Noong Monday, June 30, ibinahagi ni Cristine sa Instagram ang isang reel na may mga video at larawan mula sa event, kabilang na ang mga eksena mula sa standout performance ni Amarah.

Source: Instagram
"No medal this time, but I couldn't be prouder," panimulang saad ni Cristine sa kanyang caption.
Ayon sa celebrity mom, nasaksihan niya ang lahat ng pagsisikap at sakripisyo ng kanyang anak para sa event, "I saw all the hard work — long hours of training, the tired days, and all the sugat sa palad dahil sa bar routine. You gave it your all, with so much heart and quiet strength. It was a tough competition, but you showed up with grace and courage. And that, to me, is already a win."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa pagtatapos ng post niya, nag-iwan si Cristine ng inspiring note para sa anak: "Always proud of you, Amarah. This is just the beginning — your journey is already something so beautiful."
Samantala, bumuhos naman ang suporta mula sa mga netizens sa comment section ng kanyang post. Marami ang pumuri sa pagiging hands-on at supportive mom ni Cristine, at mas marami pa nga ang humanga kay Amarah sa kanyang husay at dedikasyon sa larangan ng gymnastics.
Panooring ang video sa baba:
Si Cristine Reyes ay isang Filipina actress na kilala sa mga versatile roles sa mundo ng pelikulang Pilipino. Sa buong karera niya, nakatanggap na si Cristine ng maraming parangal at pagkilala. Sa kanyang personal na buhay, dati siyang ikinasal kay Ali Khatibi. Mayroon silang anak na babae na si Amarah, na ipinanganak noong February 8, 2015. Kalaunan, kinumpirma ni Cristine ang kanilang paghihiwalay, at noong 2024, isiniwalat niya na mahigit isang taon nang napawalang-bisa ang kanilang kasal. Dati rin siyang naging laman ng balita dahil sa relasyon niya sa aktor at modelo na si Marco Gumabao. Inanunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon noong Abril 2023.
Sa nakaraang ulat naman ng KAMI ay ibinahagi ni Cristine Reyes ang isang emosyonal na post sa social media bilang paggunita sa ika-40 araw mula nang pumanaw ang kanyang ama na si Esteban Reyes, na namatay noong Abril. Sa mensahe ni Cristine, binigyang-diin niya ang aral ng kanyang ama tungkol sa pag-usad sa buhay nang walang hinanakit. Pinagtibay rin niya ang kanyang desisyong magpatuloy sa kabila ng lahat, sa gabay ng Diyos at ng kanyang ama.
Samantalang si Amarah, anak ni Cristine Reyes, ay nakatanggap ng isang taos-pusong pagpupugay mula kay Dona Balmadrid. Sa Instagram, nag-post si Dona ng isang ng mga bagong pics kasama ang kanyang anak na si Axel at si Amarah. Mahalagang banggitin na si Dona ang kasalukuyang partner ng dating asawa ni Cristine na si Ali Khatibi. Matapos kumalat ang balitang ito, marami sa mga netizen ang naantig sa taos-pusong mensahe ni Dona online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh