April Gustilo, diretsahang tinanong ni Ogie Diaz kung niligawan siya ni Willie Revillame noon

April Gustilo, diretsahang tinanong ni Ogie Diaz kung niligawan siya ni Willie Revillame noon

  • Nakapanayam kamakailan lang ni Ogie Diaz si April Gustilo, o si 'Congrats' Girl
  • Matatandaang isa si April sa mga original dancers ng show na 'Wowowee' noon
  • Sa interview, diretsahang tinanong ni Ogie si April tungkol kay Willie Revillame
  • Ang tanong lang naman ni Ogie ay kung nanligaw ba noon si Kuya Wil kay April

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Ogie Diaz, isang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz, ay nakapanayam kamakailan lang si April Gustilo — isa sa mga orihinal na dancers ng noontime show na Wowowee, na mas kilala noon bilang 'Congrats' o 'Congratulations' ng mga manonood dahil sa kanyang role.

Sa kanilang one-on-one interview, diretsahang tinanong ni Ogie si April tungkol sa host ng programa na si Willie Revillame. "Si Kuya Wil ba hindi nanligaw sayo dati?" tanong ni Ogie.

April Gustilo, diretsahang tinanong ni Ogie Diaz kung niligawan siya ni Willie Revillame noon
Photos: Ogie Diaz on YouTube
Source: Youtube

Hindi nagpatumpik-tumpik si April at tahasang sinabing hindi siya niligawan ni Willie, bagkus ay itinuring nila itong parang isang ama noong kanilang panahon sa noontime game show.

Ani pa nga ni April tungkol kay Willie, "Wala, si kuya parang tatay ko yun. Nung mga oras nga na yun, may jowa ako. Tatanung ka pa nga, 'Kamusta kayo? Kamusta naman yung trabaho ng jowa mo? Anong negosyo niyan?' gaganun yun. Kasi pag alam niyang wala kang future sa lalaki, iinsultuhin niya yun. Kasi ang sabi niya, 'Dapat praktikal kayo sa buhay kasi kapag nagutom kayo, maghihiwalay din kayo.'" Dagdag pa ni April, "Tama naman si kuya. Totoo naman talaga."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang matanong tungkol sa mga bashers ni Willie, ani na lamang ni April na kilala na noon pa si Willie sa pagiging prangka at propesyonal nito, lalo na pagdating sa kanyang mga trabaho.

"Kita naman natin yung personality ni kuya. Ever since, sa TV, prangka naman talaga siyang tao. Paminsan, nagagalit, moody siguro, hindi natin alam kung may mga pinagdadaanan siya. Lalo na diba, si kuya may sakit din. Kami, yung mga matatagal na sa kanya, naiintindihan namin yun. Yung minsan nagiging moody siya, kasi siguro may nararamdaman siya sa katawan, or nai-stress talaga siya sa mga staff. Iniintindi namin siya," paliwanag ni April kay Ogie sa interview.

Panooring ang video sa baba:

Si Ogie Diaz ay isang Pilipinong komedyante, aktor, entertainment reporter, at talent manager. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang 'Pekto' sa sitcom na Palibhasa Lalake. Lumabas din siya sa iba't ibang pelikula at serye sa telebisyon. Bukod sa kanyang mga proyekto, malaki rin ang naging ambag ni Ogie bilang isang talent manager. Minsan na niyang hinawakan ang career nina Liza Soberano at Vice Ganda. Sa kanyang personal na buhay, si Ogie ay miyembro ng LGBTQ+ community at matagal nang may relasyon kay Georgette del Rosario at sila ay may 5 na anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay sinagot naman ni Ogie Diaz ang kumakalat na tsismis tungkol sa dalawang personalidad. Sa kanyang vlog, nag-post si Ogie ng video nina Marco Gumabao at Barbie Imperial na magkasamang kumakain sa isang restaurant. Gayunpaman, agad nilinaw ni Ogie ang tunay na relasyon ng dalawang celebrities sa isa't isa.

Samantalang ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang pananaw sa pinakabago niyang 'Showbiz Update' vlog. Isa sa mga paksang kanilang napag-usapan ay tungkol kay Baron Geisler at ang kanyang pinakahuling rebelasyon sa isang media con. Sa vlog, puro papuri ang sinabi ni Ogie para kay Baron at sa malaking tagumpay nito sa personal niyang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco