Katrina Halili, sinagot ang nagsabing parang may takot daw si Katie sa kanya

Katrina Halili, sinagot ang nagsabing parang may takot daw si Katie sa kanya

  • Si Katrina Halili ay muling nag-viral dahil sa kanyang sagot sa isang netizen
  • Kamakailan lang ay ipinost kasi ni Katrina ang reaksyon ng kanyang anak
  • Ito ay matapos niyang bisitahin si Katie sa paaralan nito, na nagpaiyak sa huli
  • Dahil dito ay may isang netizen na nag-iwan ng unsolicited comment kay Katrina

Si Katrina Halili, isang kilalang aktres sa GMA-7, ay muling naging usap-usapan sa social media matapos niyang sagutin ang isang komento tungkol sa relasyon niya sa anak niyang si Katie.

Noong Mondey, June 16, nag-post si Katrina ng isang video kung saan makikita siyang binisita si Katie sa paaralan na tila nauwi sa pagiging emosyonal at pag-iyak ni Katie nang siya ay makita.

Katrina Halili, sinagot ang nagsabing parang may takot daw si Katie sa kanya
Katrina Halili, sinagot ang nagsabing parang may takot daw si Katie sa kanya (@katrina_halili)
Source: Instagram

"Umiyak na po si Katie kasi bumaba ako, ayun. Gusto niya po kasi talaga eh susundo lang ako," paliwanag ni Katrina sa video. Makalipas ang ilang sandali, kumalma rin si Katie at masayang nagpaalam sa kanyang ina, at sapul pa nga sa camera ang pag-kiss nito sa kanyang momshie.

Sa caption ng video, ibinahagi ni Katrina ang kanyang pasasalamat sa titser ni Katie sa pagiging maaruga nito sa anak niya: "First day of school. Sweet talaga si Katie sa mga teachers niya. Salamat po, sanpag talaga, at pagmamahal kay Katie. Thank you po, Teacher Elmie."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinaliwanag pa nga ng aktres ang dahilan kung bakit naging emosyonal si Katie nang siya ay makita nito sa paaralan: "Gusto niya kasi susundo lang ako sa kana sa hapon at magpapa-picture sa mga students. Sorry baby, nag-push my luck lang si mama. Mami-miss kasi kita, I love you."

Ngunit sa kabila ng positibong laman ng video, may isang netizen ang nagbigay ng hindi kanais-nais na komento: "Para kasing nakakatakot boses ni Katrina, parang may takot siya sayo, ba't kaya?" Agad itong napansin ng aktres sa kanyang page: "Katakot yung haka hala mo ah. Horror."

Marami ring netizens ang dumipensa kay Katrina at ipinagtanggol ang kanyang pagiging ina:

"That's a real mother to her children."
"Wag po mag-salita ng ganyan, nanay yan."
"Sobrang simple and humble po ni Miss Katrina."
"Bakit naman po matatakot si Katie sa nanay niya?"

Sa kabila ng puna, muling pinatunayan ni Katrina ang kanyang pagiging mapagmahal at hands-on na mommy, at mas lalo pa siyang minahal ng netizens dahil sa kanyang pagiging totoo.

Panoorin ang video sa baba:

Katrina Halili, sinagot ang nagsabing parang may takot daw si Katie sa kanya
Screenshot mula kay @katrina_halili sa Instagram
Source: Instagram

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Katrina Halili ang ilang sandali kasama ang kanyang anak na si Katie. Sa Instagram, nag-post ang aktres ng mga video mula sa ospital. Habang nasa ospital, tinawagan ni Katrina ang kanyang anak at ipinasilip ang kanilang pag-uusap. Labis na naantig naman ang mga netizen matapos marinig ang sinabi ni Katie sa kanyang momshie.

Samantalang noong 2024 umani ng atensyon sa social media si Katrina Halili. Sa isang post, nag-upload si Katrina ng video kung saan tinuturuan niya ang kanyang anak ng ilang dance moves. Subalit sa viral na video, mapapansing tila naiiyak si Katie habang nasa entablado. Dahil dito, naaliw ang ilang netizen at nag-iwan pa rin ng positibong komento para kay Katie at Katrina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco