JM De Guzman, naiyak sa inihandang sorpresa ni Donnalyn Bartolome

JM De Guzman, naiyak sa inihandang sorpresa ni Donnalyn Bartolome

  • Labis na naluha sa tuwa si JM De Guzman dahil sa ginawa ni Donnalyn Bartolome
  • Kamakailan lang ay nag-post si Donnalyn ng bagong 28-minute vlog tungkol kay JM
  • Ani Donnalyn, matagal na raw pinapangarap ni JM ang bagay na ito kaya niya ito tinupad
  • Nang makita ni JM ang inihandang sorpresa ni Donnalyn, talaga namang naiyak ito sa saya

Sobrang naluha sa tuwa ang aktor na si JM De Guzman matapos matanggap ang engrandeng sorpresa mula sa kanyang nobya, ang sikat na content creator at singer na si Donnalyn Bartolome.

Sa bagong vlog na in-upload ni Donnalyn sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang isang 28-minute video kung saan ikinuwento niya ang naging journey nila ni JM bilang mag-jowa.

JM De Guzman, naiyak sa inihandang sorpresa ni Donnalyn Bartolome
Photos: Donnalyn on YouTube
Source: Youtube

Sa gitna ng vlog, isiniwalat ni Donnalyn na matagal nang nangangarap si JM na magkaroon ng sariling negosyo upang patuloy na matulungan ang kanyang pamilya na hinangaan ng marami.

Madalas daw itong nagtatanong sa kanya ng mga ideya hinggil dito. Kaya napagdesisyunan na ni Donnalyn na siya na mismo ang gumawa ng paraan upang matupad ang pangarap ng nobyo niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Surprise but not surprise business kasi ito. Napag-usapan na kasi namin siya before, di niya lang alam na kumikilos na ako," ani Donnalyn sa mga manonood niya sa nasabing video-sharing site.

Sa video, makikitang isinama ni Donnalyn si JM sa isang gusali kung saan naghihintay ang kanyang bagong negosyo — isang coffee business na matagal na palang pinapangarap ni JM.

Nang makita ni JM ang inihandang sorpresa para sa kanya, hindi nito napigilang maluha.

Bukod pa rito, nag-iwan din ng nakakaantig na mensahe si Donnalyn para kay JM sa comment section ng kanyang vlog. "Being a provider makes you sacrifice the life you deserve, I know this with all my heart... so before our father’s month ends, I want to greet someone who is not yet a father but stepped up as one for his brothers as their father figure, their kuya," ani ng vlogger.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinahayag ni Donnalyn ang kanyang pagmamahal at pagmamalaki sa kasintahan: "I will always be proud to have met you, Juan Miguel. You deserve the love and protection God has for you. In almost 4 years as friends, and now 2 years as your partner, you will know what it's like to have an ally for the rest of your life. Happy Father's Month to you. Here's for the world to view and see you through my eyes, @JMDeGuzmanofficial."

Panoorin ang video sa baba:

Si JM De Guzman ay isang kilalang Filipino actor. Sa industriya, nakilala siya sa mga papel niya sa mga teleserye tulad ng Midnight Phantom, Mula sa Puso, at ang hit series na Angelito: Batang Ama. Pinangunahan din niya ang ilang de-kalidad na pelikula tulad ng That Thing Called Tadhana at Pintakasi. Sa kanyang personal na buhay, matapang niyang ibinahagi ang kanyang paggaling mula sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, rehabilitasyon, at depresyon—na nagdulot ng respeto at simpatya mula sa publiko. Matapos lampasan ang mga personal na pagsubok, matagumpay siyang nakabalik sa showbiz industry na ikinatuwa naman ng marami.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan sa social media si JM De Guzman. Kamakailan ay nag-post kasi si JM ng video kung saan siya ay emosyonal at umiiyak. Ang caption ng video ay may kinalaman sa 'trust' at 'faith' ng isang tao. Matapos lumabas ang balitang ito, ilang lokal na celebrity ang nagpahayag ng suporta at paghimok para kay JM sa comments.

Samantalang noong April 2024 ay sinagot ni JM De Guzman ang ilang katanungan ng media ukol sa kanyang mga co-star na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Nang tanungin kung ano ang namamagitan kina Kimmy at Paulo habang sila'y nagshu-shoot, sinabi niyang parang "mag-tropa" ang mga ito. Dagdag pa ni JM, wala siyang nakikitang maaaring mauwi sa romance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco