Ex ni Jackie na si Tom Doromal umani ng mixed reactions sa 'Daddy Duties' post
- Nag-post si Tom Doromal ng larawang tila “big reveal,” kung saan makikita siyang may tulak na stroller na may baby sa loob
- Marami ang natuwa at nagpaabot ng congratulatory messages, samantalang ang ilan ay napa-"What?" at nagtaka kung totoong ama na nga ba ang dating Hashtag member
- Ang naturang post ay nagbukas muli ng usapan tungkol sa hiwalayan nila noon ni Jackie Gonzaga, na mas kilala bilang Ate Girl
- Hindi malinaw kung sino ang sanggol sa stroller at kung may kinalaman ba ito sa personal na buhay ni Tom
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagulat ang maraming followers ng Hashtag member na si Tom Doromal matapos mag-post ito ng isang larawan sa kanyang Instagram na tila may “plot twist.” Sa nasabing post, makikitang may tulak siyang stroller na may baby, at ang kanyang caption: "Daddy duties."

Source: Instagram
Natural, ang social media ay tila umapaw sa mga reaksyon. Ang ilan ay agad nag-congratulate na parang kumpirmado na ang lahat, habang ang iba naman ay nagtanong: "Who’s baby is that Tom?" at "For real??" May ilang netizens ang humirit pa na baka ito ang dahilan ng hiwalayan nila ni Jackie Gonzaga, na kilala bilang Ate Girl sa It’s Showtime.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sey ng ilang fans, "Kaya pala sobrang nasaktan si Jackie," habang ang iba ay tinawanan lang ang posibilidad at nagsabing baka katuwaan lang ang nasabing post.
Hindi rin kasi malinaw kung kanino ang baby sa stroller—wala ring binanggit si Tom kung siya nga ba ang ama o kung ito'y pamangkin, anak ng kaibigan, o bahagi lang ng content o photoshoot.
Ang mas nakakatuwa, bago pa man ang “Daddy duties” post, may isa pang larawan si Tom na shirtless habang may karga-kargang aso—na mukhang bagong alaga. Kaya ang ilan, ang teorya: baka "fur daddy" lang ito o simpleng biro para makuha ang atensyon ng netizens.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kay Tom kung ano nga ba ang buong kwento sa likod ng kanyang caption. Pero ang sigurado, marami ang nakaabang sa kanyang susunod na post.
Si Tom Doromal ay miyembro ng all-male dance group na Hashtags, na regular na napapanood noon sa It’s Showtime. Isa siya sa mga kilalang miyembro ng grupo at naging bahagi ng ilang teleserye at variety shows. Nakilala rin siya sa social media dahil sa naging relasyon niya kay Jackie Gonzaga, na tinutukan ng maraming fans online.
Noong 2019, naging usap-usapan ang emosyonal na moments ni Jackie Gonzaga sa It’s Showtime, kung saan tila hindi niya mapigilang maging emosyonal onstage. Kasabay nito ay lumutang ang isyu ng pagkalabuan nila ni Tom Doromal. Sa isang panayam, nilinaw ni Tom na minahal niya si Jackie at ayaw niyang gawing pampubliko ang mga personal nilang isyu.
Matapos ang kontrobersiya sa kanila ni Tom Doromal, muling nasilayan si Jackie Gonzaga sa mga masaya at sweet na larawan kasama si Tom Rodriguez. Makikitang blooming si Jackie sa kanyang mga posts, at maraming netizens ang natuwa para sa kanya, na tila nakahanap na ng bagong inspirasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh