Donnalyn Bartolome, may bonggang pa-P1.5M worth na regalo sa mga subscribers niya

Donnalyn Bartolome, may bonggang pa-P1.5M worth na regalo sa mga subscribers niya

  • Si Donnalyn Bartolome ay naging usap-usapan sa social media dahil sa kanyang post
  • Kamakailan lang ay ibinunyag ni Donnalyn ang kanyang sorpresa para sa mga fans niya
  • Aniya Donnalyn, mahigi P1.5M ang halaga ng inihanda niyang regalo para sa mga fans
  • Parte raw ito ng kanyang pasasalamat matapos pumalo ng 10M ang subscriber count niya

Si Donnalyn Bartolome, isang kilalang Pinay YouTuber, ay naging usap-usapan sa social media matapos niyang ibahagi ang regalo na nagkakahalaga ng P1.5 milyon para sa isang lucky fan.

Ang rebelasyon na ito ay ibinahagi ni Donnalyn sa kanyang Instagram nitong Tuesday, June 24, bilang bahagi ng kanyang selebrasyon sa pag-abot ng 10 million subscribers sa YouTube.

Donnalyn Bartolome, may bonggang pa-P1.5M worth na regalo sa mga subscribers niya
Donnalyn Bartolome, may bonggang pa-P1.5M worth na regalo sa mga subscribers niya (@donna)
Source: Instagram

"For my 10M subscribers celebration... I have a 1.5M gift for my loving supporters," Ani Donnalyn.

Ibinahagi rin ng content creator ang kanyang mas malalim na mensahe para sa mga taong patuloy na sumusubaybay at nakakaunawa sa kanya. Ani Donnalyn sa kanyang post, "I want to deliver a message to those who know me without having to tell them who I truly am. No words can depict the pain and the sacrifices a provider wholeheartedly endures for the ones they love."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bilang patunay ng kanyang pasasalamat, ibinunyag niya na ang kanyang sorpresa ay isang coffee business na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, na itinuturi niyang regalo ng pag-asa at pagmamahal.

"God has filtered my life and refined the connections I have and you still being here for me only means this one is for you... a coffee business — a 1.5 million worth of hope, light, and love," aniya.

Hindi rito natapos ang kanyang regalo — binigyang diin pa nga niya ang potensyal na kita ng negosyo, depende sa magiging lokasyon nito: "With a possible income of P100k–1.2M monthly (depending on the location), I pray for you to finally have time to breathe from carrying it all."

Ang kahanga-hangang kilos ni Donnalyn ay umani ng papuri mula sa mga netizens, lalo na sa kanyang tapat na fanbase na patuloy na sumusubaybay sa kanyang mga proyekto online.

Swipe left para makita ang iba pang photos:

Si Donnalyn Bartolome ay isang kilalang personalidad sa internet mula sa Pilipinas. Siya ay isang vlogger, singer, rapper, at aktres. Kilala siya bilang 'Social Media Sweetheart' dahil sa kanyang malaking following sa iba't ibang platform tulad ng YouTube at Instagram. Nagsimula siyang makilala sa kanyang mga cover songs noon at pati na rin mga vlogs tungkol sa kanyang buhay.

Sa nakaraang report ng KAMI ay nag-trending si Donnalyn Bartolome dahil sa post nito sa Facebook kamakailan lang. Noong June 10 ay nag-post siya ng photo mula sa kasal ni Zeinab Harake. Sa nasabing photo ay makikitang naglalakad sa aisle si Donnalyn bilang bridesmaid ni Zeinab. Pero, nag-viral ng bongga ang post dahil sa nakakaaliw na disclaimer ni Donnalyn.

Samantalang noong September 2024 naman ay binati ni Donnalyn Bartolome sa isang online post si JM De Guzman. Sa Instagram, nag-upload si Donnalyn ng sweet at cozy photos nila ng aktor. Sa mga litrato, kitang-kita ang kanilang pagmamahalan at kaligayahan sa isa't isa. Gayunpaman, mas naramdaman ng mga netizen ang kilig dahil sa naging pagbati ni Donnalyn kay JM online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco