Zeinab Harake, nilinaw ang isyung buntis na siya matapos ang kasal kay Bobby Ray Parks Jr.

Zeinab Harake, nilinaw ang isyung buntis na siya matapos ang kasal kay Bobby Ray Parks Jr.

  • Tinalakay ni Zeinab Harake sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang mga kontrobersiyang kumalat matapos ang kanyang kasal kay Bobby Ray Parks Jr kung saan una niyang nilinaw ang usap-usapang siya ay buntis na umano
  • Mariin niyang itinanggi ang isyung pagbubuntis sa pamamagitan ng isang deretsahang sagot na “No! Nooo! Saan galing yan?” na nagpapakita ng kanyang pagkadismaya sa mga maling spekulasyon tungkol sa kanyang katawan at estado ng kalusugan
  • Sa parehong panayam ay nagpalitan ng matatamis at makabuluhang pangako sina Zeinab at Bobby Ray na nagpapakita ng tibay ng kanilang relasyon
  • Naging palaisipan sa publiko ang hindi pagdalo ng ina ni Zeinab na si Mariafe Ocampo sa kasal at tumanggi ang mga taong malapit kay Zeinab na sagutin ang tanong ukol dito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang naging pahayag ng content creator na si Zeinab Harake sa programang Fast Talk with Boy Abunda, kung saan nilinaw niya ang usap-usapang buntis na siya matapos ang kasal nila ni Bobby Ray Parks Jr. noong Hunyo 1, 2025.

Zeinab Harake, nilinaw ang isyung buntis na siya matapos ang kasal kay Bobby Ray Parks Jr.
Zeinab Harake, nilinaw ang isyung buntis na siya matapos ang kasal kay Bobby Ray Parks Jr. (📷GMA Network (Fast Talk with Boy Abunda)/YouTube)
Source: Youtube

Sa tinanong siya ni Boy Abunda kung buntis nga ba siya, diretsahan at may diin ang sagot ni Zeinab: “No! Nooo! Saan galing yan?” Isang malinaw na pagtanggi sa mga kumakalat na tsismis sa social media. Hindi lingid sa publiko na isa si Zeinab sa mga palaging laman ng balita, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa kanyang personal na buhay.

Bukod sa paglilinaw sa isyu ng pagbubuntis, naging makulay din ang naging panayam dahil sa palitan ng mga matatamis na pangako ng mag-asawa. Ayon kay Zeinab, “Forever akong magiging great wife and mom sa aming future kids and sa aming dalawang anak.” Sagot naman ni Bobby Ray, “Nangangako ako na mamahalin kita to the ups and to the downs... I will remain faithful.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, isa sa mga tanong na nananatiling palaisipan sa publiko ay ang hindi pagdalo ng ina ni Zeinab na si Mariafe Ocampo sa kanilang kasal. Ayon sa ulat, pinakiusapan umano ang mga bisita at press na huwag na itong tanungin sa nasabing isyu, kaya’t wala pa ring malinaw na paliwanag mula kay Zeinab hinggil dito.

Si Zeinab Harake ay isang kilalang content creator at influencer sa Pilipinas. Sumikat siya sa YouTube at social media dahil sa kanyang relatable content, beauty vlogs, at mga pagbabahagi ng kanyang personal na karanasan bilang ina at partner. Kamakailan lang ay mas lalong pinagtuunan ng pansin ang kanyang buhay pag-ibig, lalo na’t ikinasal na siya kay Bobby Ray Parks Jr., isang sikat na basketball player na naglalaro sa Japan B.League.

Sa isang heartwarming post, ibinahagi nina Zeinab at Ray Parks Jr. ang masayang pagdiriwang nila ng Father’s Day kasama ang kanilang blended family. Kitang-kita sa mga litrato ang saya ng mga bata at ang pagiging hands-on na ama ni Bobby Ray sa anak ni Zeinab.

Nagpaabot ng kanyang pagbati si Yassi Pressman sa bagong kasal na sina Zeinab at Bobby Ray. Sa kanyang Instagram post, pinuri ni Yassi ang pagmamahalan ng dalawa at sinabing deserve nila ang isang “forever.” Isang patunay ito na suportado ng mga kaibigan at fans ang bagong yugto sa buhay ni Zeinab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate