Skusta Clee, may makabuluhang post ukol sa di niya pagpatol: "Okay? Okay!"
- Si Skusta Clee, o mas kilala bilang Daryl Jake Ruiz, ay tila nag-viral sa social media
- Kamakailan lang ay naging usap-usapan kasi ang post ng singer sa kanyang Threads
- Tila nag-post kasi si Skusta ng makabuluhang mensahe tungkol sa di niya pagpatol online
- Marami naman ang talagang napaisip kung sino o ano ang tinutukoy ng OPM singer
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Skusta Clee, o mas kilala rin sa tunay na pangalan niyang Daryl Ruiz, ay muling naging usap-usapan sa social media matapos siyang mag-post ng isang makabuluhang mensahe sa Threads.
Sa gitna ng pagdiriwang ng Father's Day ay nagbahagi ang rapper-singer ng isang maikling pahayag na tila tumutukoy sa kanyang pananahimik sa gitna ng mga isyung ibinabato sa kanya.

Source: Instagram
Ani ng singer: "Oh, ito, para lang sa mga nagmamahal at tagasuporta ko na nag-aalala sakin kung bakit hindi ako mapagpatol sa mga bagay bagay. Ang sagot ko diyan, may magulang ako, at para lang sa mahihinang ulo lang yung pumapatol. Okay? Okay! Pi paders dey," sulat niya sa Threads.
Bagama't hindi malinaw kung sino o ano ang pinapatungkulan ng kanyang mensahe, agad itong naging sentro ng diskusyon sa social media, kung saan maraming netizen ang nagbigay ng kani-kanilang interpretasyon, lalo na dahil sa timing umano ng post ng sikat na singer at rapper.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Habang nananatiling tikom si Skusta sa detalye ng kanyang pinupunto, marami sa kanyang mga tagasuporta ang humanga sa kanyang pagpili ng katahimikan kaysa pumatol sa mga bashers.
Gayunman, hindi rin nawala ang mga usap-usapan at haka-haka mula sa publiko, na lalong nagpasiklab sa diskurso online. Sa kabila ng lahat, malinaw sa pahayag ni Skusta Clee na pinipili niyang manatiling kalmado, para tahakin ang daan ng pagiging responsableng social figure.

Source: Instagram
Si Daryl Ruiz, o mas kilala bilang Skusta Clee, ay isang Filipino rapper at singer-songwriter. Sumikat siya bilang bahagi ng hip-hop collective na Ex Battalion. Naging viral ang kaniyang mga hit singles na Zebbiana, Pauwi Nako, at Dance With You. Noong 2021 naman ay ipinakilala niya ang anak niyang si Bia sa dati niyang partner na si Zeinab Harake. Sa entablado man o sa personal na buhay, patuloy na tinatahak ni Skusta Clee ang rurok ng Tagalog hip-hop.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2024 ay nag-post si Skusta Clee ng isang magandang larawan ni Zebbiana, o Bia, sa kanyang Instagram story. Ginawa niya ito sa mismong kaarawan ni Bia. Sa larawan, makikita si Bia na nakangiti at nakaupo sa gilid ng swimming pool. Walang caption ang larawan, ngunit malinaw na ipinapakita nito na naalala ng rapper ang kaarawan ng anak niya.
Samantalang noong 2023 ay nagsulat si Skusta Clee ng isang mahabang mensahe para sa mga netizen. Sa kanyang Instagram page, sinabi ni Skusta sa mga netizen na tigilan na ang pagta-tag at pagbanggit sa kanya sa mga "drama." Bagamat hindi niya tinukoy kung anong "drama" ito, sinabi niya na nasasayang lang ang pagta-tag sa kanya ng mga netizens sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh